Tuesday, February 24, 2009

Mga tanong na dapat bigyan ng katarungan!

lets talk..

uhhm..

marami akong tanong sa aking sarili ngayon.
tanong na nagpapagulo sa aking mga ginagawa.

Ilan sa mga tanong nagpapagulo sa akin na kinakailangan nang magkaroon ng solusyon ay ang mga tanong na sigurado akong tinatanong nyo rin sa inyong mga sarili.. in short, dapat ninyong basahin lahat ng nilalaman ng post na ito sapagkat mamatay kayo kung hindi nyo ito ginawa. (nanakot ba naman?haha) ang ibig kong sabihin ay mamatay kayong hindi nahahanapan ng solusyon ang mga tanong na iyon!

Tanong: Bakit maraming haters? insecure lang ba sila o la lang talagang magawa?

Sagot: Pra sakin, insecure lang sila. Sapagkat dalawa lang ang binigay na choices sa taas, "insecure lang o la lang talagang magawa" , napakabobo ko naman kapag pinili ko yung "la lang talagang magawa" sapagkat lahat ay may rason. Sino ba nagimbento ng tanong na iyan at dalawa lang yung binigay na choices? tuturuan ko siya kung pano gumawa ng tanong at magbigay ng choices.haist.
Maraming haters sapagkat maraming magagaling.
Maraming mga magagaling sapagkat maraming haters na ginagawa nilang inspirasyon upang makagawa ng ilang mga bagay na magaganda.
Maraming mga magagandang bagay sapagkat maraming magagaling ang gumagawa nito at etcetera.


Tanong: Bakit kailangang mag-aral bago makapagtrabaho?

Sagot: "Bobo parin ang dumiscover ng tanong na ito eh, pano tayo matututo kapag hindi tayo nag aral?
pano tayo guguhit kapag di natin alam kung ano ang drawing?"

- uhhmm.maaring ito ang magiging sagot ng mga pilosopong tao, pero may point sila,sapagkat 70% ng laman ng ating utak ay galing sa eskwelahan at yun ay ayon sa aking imahinasyon, in short, imbento ko lang. so dapat muna nating magaral bago makapagtrabaho. dapat muna nating magkaroon ng knowledge sa mga bagay bagay na ating nakikita bago tayo gumawa ng mga bagay bagay na makikita din ng iba.

Pero, may mga trabaho na di na kailangang pagaralan pa, ang ilan ay nasa ibaba:

Kidnapper- trabaho ng mga mag asawang walang anak, kaya kung gusto mong magkaroon ng anak, maging kidnapper ka na! free na! magkakapera ka pa! hindi na kailangang magaral. Ang kailangan mo lang gawin ay pumunta sa pinakamalapit na presinto, siguradong makakakita ka dun ng maraming kidnapper, sa kanila ka kumuha ng advice.

Basurero- Obvious ba? di na dapat magaral sa field na ito, kailangan mo lang ay pumulot ng basura. oh di ba? mababansagan ka pang Nature Lover, nakakatulong ka kasi kay mother earth.

So ano? ano gusto mo? magaral muna bago makapagtrabaho o magpakasarap ka na lang sa buhay mo at pumili ng mga trabahong di na kailangang pagaralan tulad ng mga nasa itaas?

Tanong: Bakit may Mathematics?

Sagot: Para may Mathematician of the Year Award kapag Recognition day sa elementary.

Tanong: Bakit maraming PROSTITUTE kapag gabi?

Sagot: Imagine yourself as a prostitute, magduty ka 12:00 ng tanghali, sigurado akong marami kang customer...

Tanong: Bakit may break up? :[

Sagot: Pinanganak kasi ako.
kailangan din ng mga magsyota na malaman kung sila nga ang para sa isat isa.
Wala na kasing LOVE sa pagitan nila.

Tanong: Bakit ako tanong ng tanong?at ako rin naman ang sagot ng sagot? does it mean na tanga ako?

Sagot: Hindi ka tanga, genius ka lang talaga. talented sa pagtanong, talented pa sa pagsagot.

;)


Oh ano?
Tama ba mga sagot ko sa mga tanong ko?
if hindi, MALI ka! haha.


------------------------------------


NSTP in OTON pics!
saya nito!:3 :






Poster ng posibleng magiging film ng aming section:

Friday, February 13, 2009

My Vector Collection

WEE. post ko yung mga vector works ko dito, hindi siya ganun kagandahan pero pinagpawisan ko yan, at tiniis ang sakit ng aking mga mata para makagawa ng ganyan. sana ay may maka appreciate.hehe.

Kung nais niyong magsuggest at magcomment tungkol dito, ay welcome kayo!

PS: Kung nais niyong magpagawa ng tulad nito, post lang kayo ng comment dito,.

salamat! :]

eto na sila:





























---------------------

Thursday, February 5, 2009

.•.•x.[BALEMTAYMS].x•.•.

Malapit na naman ang araw ng mga puso!
Siguradong bentang benta na naman ang mga rosas na pula.
Cake na hugis puso.
Mga kwentas, singsing.

Siguradong puno na naman ang mga restaurant,
mga dating places.

at pati na rin mga motel.(hehe)

Naaalala ko pa nung bata pa ako, ang pagkaintindi ko sa balemtayms day ay isang araw na kung saan pula lahat dapat isuot ng mga tao, pano naman kasi, kapag february 14, sinasabihan kami ng mga teachers namin sa elementary na wag suotin ang uniporme, sa halip ay magsuot ng kulay pula na damit.

Sa huli ko na lang naintindihan ang tunay na kahulugan ng balemtayms, ito pala ay araw ng mga nagmamahalan, hindi lamang ng mga magnobyo at magnobya, kundi pati ng pamilya at mga kaibigan.

Nung highschool nga kami, kami lang ng mga kaibigan ko ang nagcelebrate ng balemtayms kasi mga single kami, at ayun, bumili ako ng cake na hugis puso at yun yung pinagsaluhan namin sa plaza.
ang saya nun.Pero nag iba na ang ihip ng hangin ngayon, siguro magiging iba yung pagcelebrate ko ng balemtayms day..
gagawin ko itong espesyal,

siguro ay hahatiin ko ang araw na iyon sa aking pamilya, kaibigan at siempre sa taong nagpatibok muli ng aking puso, gagawin ko lahat para maramdaman nila yung pagmamahal ko, malay mo, last balemtayms day ko na pala ito.

Pero dapat din nating tandaan na hindi lang dapat sa balemtayms dapat iparamdam ang inyong pagmamahal sa inyong mga magulang , nobyo at nobya at mga kaibigan, kundi araw-araw nyong iparamdam sa kanila ang pagmamahal niyo, para malaman din nilang espesyal sila sa iyo.

Kayo? ano plano nyo?

.•.•x.[bored].x•.•.


Ano kaya magandang gawin kapag nabobored ka?
uhmm.
kumain kaya ako ng apoi.
hindi, masyadong exciting yun.

subukan ko kayang kumain ng maraming maraming tsokolate.

hindi.. masyadong sweet yun, masama sa health ko.

wat if.

magsulat na lang ako ng libro?
kaya ko kaya yun? eh ano naman kaya ang title?
dapat yung malakas ang dating sa masa, yun bang nagrereflect sa status ng ating bansa ngayon, yung makakainspire sa kabataan for them to embrace the change, something na aaliw sa kanila habang nagbibigay ng mga aral na makakatulong sa pag unlad ng ekonomiya ng bansa, yung tipong maipagmamalaki din ng mga OFW ang bansang kanilang pinang galingan.
pero posible kaya yun?
yun sana gusto ko eh, maka inspire sa tao.
kahit sa simpleng paraan lamang, gamit ang aking utak.

sa panahon kasi ngayon, parang hindi na tama na ilagay lahat ng responsibilidad sa mga lider ng bansa, matagal na sila sa kani kanilang puwesto ngunit anong pagbabago ang naidulot nila? yung mga building ba? mga tulay? baka bago tayo umabot sa susunod na henerasyon eh di-semento na lahat ng bagay na ating makikita dulot ng mga politikong puro mga di-semento ang proyekto.dapat eh, may kumilos na sa ating mga kabataan..

be a role model, di ba?

pero parang may mali, epekto ba ito ng pagiging bored ko? lumalabas ang pagkapatriotic ko? ano ba talaga ang magandang gawin sa ganitong sitwasyon?

mag-isip ka remjo, mag-isip ka!

pero, sa palagay ko, tama din siguro na gumawa ako ng libro., sa ganoong paraan, maipapahayag ko ang aking mga nararamdaman at kahit sa maliit na paraan, makakatulong din ako sa mga kapwa ko kabataan.

Napakapatriotic ko naman kapag nabobored..

Sa tingin niyo?

Wednesday, January 28, 2009

.•.•x.[Nang Kinausap ko ang aking Sarili].x•.•.

Naranasan niyo na rin bang kausapin sarili niyo?
Ang sarap ng feeling diba?kahit nagmumukha na kayong mga tanga.
Pero ayos yun mga dude, sabi nga ng Psychology teacher ko (Maam Funtecha), nakakatulong daw ito sa ating paggawa ng desisyon at pagkilala ng husto sa ating sarili.

REMJO: anong topic gusto mong pagusapan natin ngayon bro?

Kaluluwa ni remjo: kahit ano, pero dapat hindi boring. comedy gusto ko.

R: ay, di pwd bro, nag eemote kasi ako ngayon, baba ng kuha ko sa Chem exam namin eh.

K: Ows, kala ko kaya mo yun?

R: Change topic bro..

K: Sige na nga, bro, bakit adik ka sa computer?

R: Eh, yun yung nagpapasaya sa akin eh, angal ka?

K: Bakit di mo subukang magbasa? o pag aralan mga lessons mo sa paaralan?

R: Eh, hindi ako pala aral na tao eh.

K: Bro,paturo naman ng photoshop.!

R: Sige, pag may time ako..

K: Bro, uhmm, gutom ka na ba?

R: Uhmm, hindi, kumain ako kanina eh.

K: Ano paborito mong pagkain?

R: Uhmm, kahit ano basta chicken, pasta, chocolates, pizza...at adobo.

K: Ah ganun ba?bro, seryosong usapan naman, nonsense to eh.

R: Sige bah! basta wag lang math at chem huh!

K: Sige wag lang yun..uhmm, bakit hate mo ang chemistry?

R: Kakainis kasi eh, maraming mga classifications ng mga chemicals (tama ba?hehe), mapa ketones, acid hallides, amides, amines, hai naku boring yun! tsaka pahamak yang chemistry na yan! hai naku!

K: Bro, ano ba masusuggest mo para mawala yung chemistry sa world?

R: Pagbutihin na ng mga discoverer ang pagimbento ng time machine..
para mabalikan ko yung past, papatayin ko yung may pakana kung bakit may chemistry!!!

K: ??

R: bakit?

K: Weird muh! eh kung mapatay mo siya eh wala ng mga beauty products na magpapagwapo sayo!!

R: ay, oo nga pala, sige na nga, ok na yung may chem basta, gwapo lang ako.(haha)

K: Bro, bakit ang kapal mo?

R: Hindi ako makapal noh, one way ko lang yon to gain my self confidence, kahit hindi ako kaganun ka gwapo, pero may itsura din, at least, mataas yung pagtingin ko sa sarili ko, pero hindi naman ganun kataas na nmay nasasagasaan na.. i know my limits naman kasi eh..

K: Bravo!! bravo!

R: Tangels!

K: awts!

-----------------------------------------

Monday, January 26, 2009

.•.•x.[BUSTED!!].x•.•.

somethings wrong.

yah, it seems that im losing my control.
wala na akong gana sa studies ko.
i just want to have fun with my life. and i dunno why..wanderlust!!

accepting the fact that i have to study coz its for my future,.
but hindi ko magawang magseryoso sa studies ko.

epekto siguro ito kapag hindi mo gusto at type yung field na pinasukan mo.
but walang mabblame dito but only me.

ako rin naman yung pumili ng corz na ito, "go with the flow" ika nga.

binigyan na nga ako ng freedom ng family ko para pumili,
hindi ko pa grinab yung oppurtunity na yun to follow my decisions.

but andito na ako eh.

my only hope ryt now is to study well, i have to force my self.
even tho i cant.
even tho i dont want.

its for me.

its for my future.

Sunday, January 25, 2009

Nong, Bayad...

Traffic.

Maraming tao.
Ang gulo.

"beep.beep.beep." dito.
"beep.beep.beep." doon.

Normal lang ito kasi Dinagyang nga, pero sa okasyong ito, may nadiskubre ako sa mga taong di ko naman kaano ano, sabihin na lang natin na mga nakasakay ko lamang sila sa jeep.

ito kasi yun, sa kahabaan ng trapik, sumakay ako ng jip, at ako lang ang pasahero nung una, at nadagdagan ng dalawang lalake, 1 babaeng buntis na hirap na hirap siguro sa buhay kasi sa mukha niya (hindi naman sa pagjujudge sa babaeng yun pero mahirap siguro yun, it shows kasi) tapos sinundan ng dalawang chix(hehe) tapos isang matandang mayaman, puno ng alahas yung leeg tsaka yung braso, may diamond ring pa yung lola.. ang taray!..

sa tabi ko umupo yung buntis, tsaka nasa harapan ko naman ang dalawang lalake, yung matandang mayaman naman ay malapit sa driver, yung mga chikas naman nasa front seat.

ito na ang climax,


nagbayad ako,

"Bayad lihog (bayad po)!!"

awts, alang sumagot,

"Bayad lihog (bayad po)!!(sa puntong ito, malakas na angpagkakasabi ko)"

waw, ang ineexpect ko na ang matandang mayaman ang kukuha ng bayad ko dahil sa lahat sa amin siya yung malapit sa drayber ay hindi ako pinansin, tiningnan lang ako ni lola... ito pa ang masaklap, yung katabi kong buntis na hirap na hirap sa kanyang dinadala ang kumuha ng bayad, ayun, habang umaandar yung jip, yung buntis yung lumapit sa driver (nahiya ako nun).. biglang nagpreno yung drayber, nauntog yung buntis, kinabahan ako baka malaglagan sya, pero buti na lang hindi nangyari...

at sa ikalawang pagkakataon, tumingin lang yung matandang mayaman..


-----------------------------


haist, sino kaya ang dapat sisihin sa simpleng pangyayaring ito?

Ako ba? na hindi nageffort na lumapit na lang sa driver para magbayad?

pero hindi ko naman magawa yun kasi marami akong dala , kasi pabalik ako sa dorm namin.

Ang Matandang mayaman? na hindi ako pinansin?

o ang inosenteng buntis na nagpakabayani na tinulungan ako sa pagbayad..?


masasabi nyong Nonsense ang post na ito.. pero, isipin niyo ng mabuti kung anong aral ang naituro nito sa atin..

"...Yah, ang pagsakay sa jip ay parang pag attend sa 30mins na klase, marami kang matutunan magmula sa drayber hanggang sa mga pasaherong nagmumuni habang patuloy sa pag ikot ang gulong ng jip, aral na pwedeng ma apply sa ating buhay sa arw-arw.."

PHOTOGRAPHS : Remjo's Style

Just wanna share these photos na tinake ko using my Nokia 6120 classic phone, at ang mga ito ay inedit ko using Adobe Photoshop CS2.


Photos were taken from my school (Central Philippine University) and Ideal dormitory.


--------------------------------



--------------------------------



--------------------------------



--------------------------------



--------------------------------



--------------------------------



--------------------------------



--------------------------------



--------------------------------



--------------------------------


CAPTURED!!

Thursday, January 22, 2009

Leaving the past behind : a reflection

We are who we are today because of our past.


We cannot separate ourselves from our past. We cannot deny that we have a past. Even if we try to deny or lie about the most sordid aspects of our past, still, it has a unique way of rearing it’s ugly head.

Let’s accept it. The past is the past.

But how are we to deal with our past? Ano ba ang ibig sabihin ng leave the past behind?

First, we should treasure the learning experiences.


Throughout our history, marami tayong mga nagawa at naranasan. Mabuti man o pangit. Masaya man o masaklap. Kapuri puri man o kahiya hiya. The fact is, we can treat them all as learning experiences. Itabi natin sa ating puso ang mga mahahalagang aral na itinuro sa atin ng kasaysayan. Tiyak, they will come in handy in the future.

Second, forvige anyone who has hurt you in the past.

Dahil ang buhay dynamic, puwede tayo magkasakitan ng damdamin. Puwedeng ako ang nasaktan. At puwede din na ako ang nanakit. Turuan natin ang ating mga sarili na magpatawad. Kung sa ating nakaraan, me tinik ng kahapon, bunutin na natin sila. Kung sa ating nakaraan, me nagpatigas ng ating puso, e, palambutin na natin. Life is too short to be unforgiving. Tingnan din natin kung tayo ang nakasakit. Pag ganun, e, tayoy magpakumbaba. Tayo na ang magsorry.

Third, let go of difficult attachments.


Minsan kasi, meroon sa ating nakaraan, na, napakahirap bitiwan. They can be positive experiences, as well as negative experiences. Tulad ng achievements in the past, what you were before, how others in the past treated you. Tigilan na natin ang paghahanap sa mga kasiyahang matagal ng wala. Thank God for them. And if you so really desire to experience the joy of certain past achievements, then carry on with your life. Furthermore, to let go means to set ourselves free from the people, from the pain, from the hurts that the past has given us. Posibleng we need to let go of someone we love na wala na sa ating piling. Tulad ng kung ikaw ay namatayan, iniwanan, pinagtaksilan. It’s hard, i know. But try your best still to let go and let God.

Finally, move forward.


Life doesn’t end with the past. Turn your hurts into halos. Your stumbling blocks, into stepping stones. Think of your trials and testings as challenges. Be positive. Be hopeful. Have faith. LIfe goes on. When something closes, another door opens. Pag me nagsasara, me magbubukas. We should always strive to move on with our lives no matter what. Habang nabubuhay, mag enjoy. Parang graduation yan ng High School. Malungkot kasi maghihiwalay. Natapos na ang magagandang experiences with friends. You are leaving a school that has been your home for many years. However, we all know, we can’t be in high school forever. Ganon din sa kanya kanya nating kinalalagyan sa buhay. We can’t be stuck where we are.

Let us leave the past behind, believing in our hearts, that as God is with us, not only can we hurdle the difficulties, but more importantly, we will RISE UP to soar to greater heights that life has to offer.

MAJOR ISSUE # 1 : ehl-oh-vee-ee

Love.

Pagmamahal.

Kahit san ata ako magpunta ngayon, lahat ng mga na iencounter ko na problema ng mga kabataan na tulad ko ay kung hindi pera ay yung boyfriend o girlfriend nila.
PRANING na ata tayong mga kabataan ngayon, tama nga at hindi natin mapipigilan ang ating mga puso, dahil kapag ito ay tumibok na siguradong sasabog ito. Pero hindi naman yata tama na damdamin ng todo lahat ng mga nangyayari sa inyong relasyon, sige umiyak ka! magmukmuk ka sa kwarto mo! ipalabas mo lahat ng iyong sama ng loob at tumawag ng kaibigan pero hindi naman yata makatwiran kapag nagwala ka ng todo! mawawalan ka na ng boses, mabubulabog mo pa ang mga natutulog mong kapitbahay!

BrokenHearted: Inom tayo pre!

Shock Absorber: Di ba hindi ka umiinom pare?

BH: ah basta! inom tayo!

SA: Eh di uminom tayo!

Bigyan niyo ako ngayon ng limang valid reasons kung bakit maguumpisa kang magkaroon ng bisyo dahil iniwan ka ng girlfriend mo. Pag uminom ka ba, babalikan ka niya?
Bakit ka ba niya iniwan? Dahil may kasakanan ka ba sa kanya? Eh kapag uminom ka, mababawasan ba kasalanan mo sa kanya?

Magisip ka naman tol, ipakita mo sa kanya na she deserves you, wag mong sirain ang buhay mo, malay mo, may balak pa sana siyang balikan ka, pero nang nalaman niya na may bisyo ka eh she will learn to forget you nalang dahil iisipan niya na nagbago ka.

Pero pano ba mag move on?

Tama ba na magpost ka ng mga nagpapabulabog sa konsensya na mga salita sa friendster?
tulad ng mga:
"you broke my heart for a reason. and that reason will be the cause of your bitterness soon!"

"its ur fault. there are many fish in the sea."

"
its my fault because i expect too much that he love's me too..
i always cry..
i want to die..
and i dont want to see him anymore"

"There are MANY MORE guys around,,,.. which is gotta be much better than him..,, nd i wont be outnumbred.."

"mdami png ibng llke s tabi tabi,, hnde acu mauubusan"


Ang dadrama diba?
Tama bang itapon lahat ng bagay na binigay niya sayo?
Tama ba na burahin lahat ng picture niyo sa photo album mo sa FS?
Tama bang sunugin lahat ng sulat na binigay niya sayo?
Tama bang putulin ang komunikasyon niyong dalawa?
Tama bang tinatanong kita ng mga ganitong klaseng tanong?

The ART of Moving On 101.

Scene 1:
Mag usap kayo, sampalin mo siya! painumin mo ng lason tsaka mag sori ka, kiss him/her bid gudbye, diba dramatic? makakamove on kana ng maigi.

Scene 2:
Imbitahin mo siya sa isang party, ipakilala mo sa mga friends mong bakla. Mag set ng plan, gawan mo ng scandal, ikalat na bakla siya! OLA! tagumpay ka ngayon! makakamove on kana!

Scene 3:
If hindi magwork ang scene 1 and 2, patayin mo ako, hindi naman pala ako nakatulong sayo.

Ang pagmomove on ay hindi isang simpleng proseso. Luha, panyo at laway ang maaaksaya sa pagiyak mo.
keep this in ming mga pare at mga girls dian:

"life must go on and don't be too sad and broken just because someone left you and hurt you.. when ure hurt always keep in my mind that maybe its not the right time for u to be inlove and maybe god is not yet finish writing ur love story.."