Thursday, February 5, 2009

.•.•x.[bored].x•.•.


Ano kaya magandang gawin kapag nabobored ka?
uhmm.
kumain kaya ako ng apoi.
hindi, masyadong exciting yun.

subukan ko kayang kumain ng maraming maraming tsokolate.

hindi.. masyadong sweet yun, masama sa health ko.

wat if.

magsulat na lang ako ng libro?
kaya ko kaya yun? eh ano naman kaya ang title?
dapat yung malakas ang dating sa masa, yun bang nagrereflect sa status ng ating bansa ngayon, yung makakainspire sa kabataan for them to embrace the change, something na aaliw sa kanila habang nagbibigay ng mga aral na makakatulong sa pag unlad ng ekonomiya ng bansa, yung tipong maipagmamalaki din ng mga OFW ang bansang kanilang pinang galingan.
pero posible kaya yun?
yun sana gusto ko eh, maka inspire sa tao.
kahit sa simpleng paraan lamang, gamit ang aking utak.

sa panahon kasi ngayon, parang hindi na tama na ilagay lahat ng responsibilidad sa mga lider ng bansa, matagal na sila sa kani kanilang puwesto ngunit anong pagbabago ang naidulot nila? yung mga building ba? mga tulay? baka bago tayo umabot sa susunod na henerasyon eh di-semento na lahat ng bagay na ating makikita dulot ng mga politikong puro mga di-semento ang proyekto.dapat eh, may kumilos na sa ating mga kabataan..

be a role model, di ba?

pero parang may mali, epekto ba ito ng pagiging bored ko? lumalabas ang pagkapatriotic ko? ano ba talaga ang magandang gawin sa ganitong sitwasyon?

mag-isip ka remjo, mag-isip ka!

pero, sa palagay ko, tama din siguro na gumawa ako ng libro., sa ganoong paraan, maipapahayag ko ang aking mga nararamdaman at kahit sa maliit na paraan, makakatulong din ako sa mga kapwa ko kabataan.

Napakapatriotic ko naman kapag nabobored..

Sa tingin niyo?

2 comments:

cyndirellaz said...

magandang gawin? matulog? kumain? maglakad lakad? nood ng movie? wag ka lang mag drugs o kumain ng apoy! peace!

abe mulong caracas said...

mag isip ng mga boring na ginagawa! basta isipin mo lang ng isipin, basta wag mong gagawin ha.

subukan mo, mababagot ka kasi bored ka na nga boring pa iniisip mo, redundant diba? kaya ang tendency, mawawala ang boredom!