Tuesday, June 9, 2009

NANG KINAUSAP KO ANG AKING SARILI : PART 2

POSTER


tanong muna,
sino ang mas gwapo sa dalawa sa itaas?

BOTO na!

Nabitin ba kayo sa post kong
"Nang kinausap ko ang aking sarili'?

May part two na ang post na yun,
mga kaepalan, at produkto ng taong walang magawa.
humarap lang sa PC, at makulit na nagsitrabaho ang mga daliri habang ang utak ay naghihimagsik sa mga sari-saring salitang nais ipalabas.

"naghihintay ako sa isang madilim na sulok ng riles ng tren.
bawat patak ng ulan ay hindi napapansin ng aking balat.
basang basa ako sa gitna ng mapaglinlang na karanasang dala ng kahapon.
gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa.
naubos na ang aking tinig.

patuloy ang aking paglalakbay sa riles na iyon.
hanggang sa binulag ako ng isang liwanag.
liwanag na akala ko ay magiging daan sa paglimot ko sa kahapong ayoko nang balikan.
at nakita ko sa malayo ang aking kaluluwa.
at.."

lahat pala ng iyon ay pawang mga kathang isip lamang.
mga salitang pinagaksayahan ng tinta.
binigyang ng emosyon upang mapadama sa mga mambabasa kung ano ang damdaming nais iparating ng manunulat na nangangailangan ng atensyon.

napakahiwaga.

nakakaaliw.

nakakalungkot.

ano pa nga ba?
eto na:

Pamagat: "NANG KINAUSAP KO ANG AKING SARILI: Ikalawang Yugto"
Tauhan: ang ever-gwapo at kapal mukha na si Remjo at ang nag iisang mapanlinlang na katalinuhan ni (kaluluwa ni) Remjo.

Panimula: Sa isang malayong lugar na kung saan ang mga makukulay na pakpak ng paru-paro ay madalas maaaninag sa bawat pagsikat ng araw, at ang mga tinig ng ibong maya ay maririnig kasabay ng tahimik na pag agos ng tubig sa batis, may isang magandang dalaga na wala naman palang papel sa post na eto, ang nagpaepal sa utak ng manunulat., at pagkatapos nang panimulang eto, nagsimula nang mag usap ang dalawang magkaisang nilalang.

Remjo( R): Tayong dalawa na ba?
Kaluluwa ni remjo(K): hindi, ONLY you palang.
R: Wee, ginaya nya yung nabasa ko sa text. duh, wala na bang bago?
K: na JOKE?
R: oo, puro sa text mo lang kasi nakukuha yung mga jokes mo eh. napansin ko lang.
K: bakit, joker ba ako?
R:hindi.
K:eh bakit mo naman ako hinahanapan ng joke,?
R: di mo na ba natatandaan?kaw lang nagpapasaya sakin?kaw lang naman inaasahan ko sa tuwing nalulungkot ako diba?
K:??
R: lam mo namang sinosolo ko ang aking mga problema at tayong dalawa lang yung nakakaalam.
K:wapak!!kaw naman kasi, bakit di mo sinishare sa iba.?
R: Trip ko lang.
K:ows? aminin!
R:Eh, kasi, basta! basahin mo nalang sa mga previous post ko dito!
K: EMOTERO!!!!! :p
R: di noh!
K: sige na nga! BAKLAAA!
R: EMOTERO na nga kung emotero!
K:hahahahahahahahahahahahahahahahha!!

(nang biglang nagplay yung theme song ng TV Patrol.)

kakapasok lang na balita, umamin na ang kaibigan ni Hayden Kho na si Erik Chua na si Dra.Belo nga ang nagpakalat ng mga sexvideos ni hayden, at ang rason ay sa di maipaliwanag na pagseselos nito. blah.blah,blah.

K: I'm never gonna dance again
guilty feet have got no rhythm
though it's easy to pretend
I know you're not a fool...
R:lol.. pasayaw sayaw ka pa jan, baka mamaya niyan eh, kakalat na video mo sa mga estante.hihi
K: grabeh noh? walang katapusang eskandalo!tsk3.
R:nga eh, gagawa sila ng kung ano ano, tapos mag aano ano rin sila sa huli.
K: Ano?
R: yun!
K: Ah, ok.
R: pero, diba, nang napanood mo yung video, pareho din silang..
K:oopppsss.. shut up! R18. and di ko naman napanood eh.
R:Weh, denial? aminin!
K:pero konti lang naman.
R:pareho din yun!
K:Sabi ko nga.
R: eto yung nagpa-agaw pansin sakin sa mga sinabi ni Hayden sa first interview nia: "i hope someday, people will learn to condemn the sin, not the sinner".haha.
K: eh **** pala sia eh, pano magkakaroon ng sin, if wlang sinner?
R: uhmmff.. may point ka.
K: siempre, laking NIDO ata to.haha
R: pero, ang gulo ng statement niya. o talagang Slow lang talaga ako?
K: hindi ka slow partner!
R: i know, nagpapakahumble lang talaga ako.
K: toinks, uhmn, lesson learned mula sa eskandalong yan?
R: for me, lets just keep our intimate relationships private. wag nating gamitin to para ipagyabang sa mga kaibigan natin, wag natin etong gawing sukatan sa ating pagkalalake, tapos sa girls, mag ingat lagi sa Hayden Camera este hidden camera, tsaka wag basta bastang magpapaloko.at kung alam niyong may karelasyon na yung karelasyon nyo rin, better stay away, para safe.
K: Ngee.
R:bakit?
K:la lang.
R:??
K: ako, di mo ba ako tatanungin?
R:hindi, bakit naman? para makapagmayabang ka?
K:eto namn, sige wag na lang nga.
R:shut up.
K:Gusto ko ng part 3.
R:ng post na to?
K:Yehp.
R:hayaan mo, gagawa tayo.
K:hihi.

---------------------------