Monday, May 25, 2009

BLAH.BLAH.BLAH :p

hopin
this may come in late.
but


"TAAAAPPPOOOOOOOOOOOOOOSS NAAA SUMMER CLASSES KO!"

Wuhhuuuuuuuu!!!

ilang days na ba ako hindi nakapag update?
o sabihin na lang nating ilang weeks na?

namiss niyo ba ako?
kasi ako,

OO namimiss ko na tong blog ko!hehe.

its nice to post in my BLOG again.
but san ko sisimulan?
sisimulan ko ba tungkol sa napanood kong movie lately?
o sa lugar na pinuntahan namin ng kaklase ko?

o di kaya sa pagkaing masarap na aking natikman?

o sisimulan ko na lang sa scandal ni hayden ?

oops.

wag yun!

i think, mas marami talaga akong utang sa inyo.
sa blog ko!

sisimulan ko nalang sa mga sari-saring pangyayaring syempre na nangyari sakin.

ALAM NIYO BA?

*Na ang digicam ng rawrprince niyo ay kulay pink?hihi
yah! "im the boy with the pink cam"! cool diba?

*alam niyo ba na ang MMK ay nagshoot sa school namin(Central Philippine University) at isa sa mga kaklase ko ay ginawang extra?pero alam niyo rin bang hindi ko napanood ang episode na yun dahil nagbrownout samin?huhu. tsk3.

*alam niyo ba na parang gusto ko na talagang magshift? from nursing to i.t or Software Engineering? hindi sa kadahilanang nahihirapan ako sa nursing pero gusto ko lang talaga mga comp related na courses?awts.at alam niyo rin bang ako din yung pumili sa nursing at ako rin lang ang nagdedesisyon sa sarili ko at parang mukhang palpak pah?

*alam niyo bang hilig ko rin ang photography?siempre alam niyo yun, dahil sa mga previous post ko, pero, alm niyo bang may mga bagong masterpiece ako? (masterpiece talaga oh!)
at isheshare ko na namn sa inyo! eto sila:

leavoing

hue

threalbeauty

appreciatelife

different

safehir

shouldijump

wait

nolimits

doortoloneliness

-----------------------------------

balik tayo!
hihi

*alam niyo ba na namimiss ko na ang HighSchool Days ko?
at dahil dun, ipapakita ko sa inyo ang picture ko nung highschool.kasama bestfriend ko.
hindi ko akalain na buhay pa pala pic na ito.:

kindergarten

ayus ba?haha.

*alam niyo ba na excited na ako na magtake ng NAT?
yah ngayong second year na kami kukuha ng exam at kung hindi makapasa, hindi kami makakaproceed ng BSN. at ibig sabihin nito ay dapat kong pagbutihin studies ko!

update na lang ako ulit sa susunod mga karawr.
bibitinin ko muna kayo ngayon.hihi

:))

oops. btw, mamimiss ko mga classmates ko!
di na kami magsasama ngayong secondyear! alphabetical sectioning na kasi.tsk.

nyweiz, gudluck na lang sa atin!

Sunday, May 3, 2009

THE GREAT ESCAPE...

verge

uhmn.
i admit naging malungkot nga ako these past few weeks dahil sa mga bagay bagay na hindi ko naman na ishare sa inyo.

pero alam niyo ba ang mga nangyari sakin nung mga araw na nawala ako sa blogging world?
siyempre hindi diba?

tuluyan na ngang nawala sa amin si lola.
nailibing na siya last sunday (April 26)

after ng libing.

ako, si joyjoy(kapatid ko), jamjam(kapatid ko ulit), joseph(pinsan ko) and jaypee(pinsan kong nagbakasyon ng matagal sa amin, siguro mga two days.hehe).
ay pumunta sa dagat, doon sa dagat na malapit lang sa amin.

ewan ko ba pero akala talaga namin ay uulan na nung nasa simbahan pa lang kami, kasi naman napaka itim ng kalangitan. pero ng on the way na kami sa cemetery ay biglang bumalik si sun!hehe.

balik sa kwento ko, at yun nga, pumunta kami sa dagat.

saan nga ba

yung kapatid ko si joy2, ako, tsaka si joseph, yung nagtake naman ng pic ay yung pinsan kong bakasyonista.haha.

eto siya, featuring, jaypee!
pamodel

siyempre nagtake din naman ako ng mga pictures, mga sari saring pics na hindi tao ang subject kundi ang mga lihim na kagandahan ng kalikasan.
tulag ng mga eto:

natureg

limits

aqua

bacay

deformed

fishers

hidden

hola

inside

leave the past

makakain baito

marine

Copy of myste

waiting

seashore

Nang dumating na kami sa dagat, medyo maganda yung setting, hehe.
medyo makakapaglaro kami dun ...

tingnan mo naman yung kapatid ko at si joseph, pinapangarap ata ng dalawang inosenteng ito na magkaroon ng perfect love story sa huli.hehe

sand castle

eto namang dalawang eto, namiss siguro agad si lola at parang gustong gusto nila etong kausapin sa langit.

YUN OH

eto naman si kuya jaypee, busy sa pag take ng pictures, pang souvenir ata.haha.

AQS



VINTAFEER

hindi talaga nila mapigilan ang kanilang mga sarili at eto at nagtampisaw na sila sa tubig.

thejump

vintage21

at nag emote pa talaga si jaypee.haha. look oh:

breeze

diffe

DSC04003 copy

elements

emotero

evidence

flashes

realit

trip

troubl

hala. at nahawa na rin yung tatlong bata!tsktsktsk...
nagemote na rin sila jeyp!

twilight

t2

keep walkin

great

emotear

dig

hindi rin kami nagtagal dun.
inabot lang talaga kami ng gabi.hehe

dizzy

kueet

whoop

yun nga. at umuwi na kami.

pero sa paglalakbay naming yun, may napansin ba kayo?
siguro ang mga bagay na siguradong napansin niyo ay ang mga sumusunod:

Bakit maikli lang yung appearance ko sa pic?
-ako kasi ang official photographer nila.haha.

Bakit di kami naligo sa dagat?
-hindi yun ang balak namin. gusto lang naming magphotoshoot.

(at gusto ko ring magmuni muni, dahil sa mga bagay bagay na gumugulo sa aking isip. gusto ko ring marelax ang aking isip sa pamamagitan ng pag expose ng aking sarili sa mga bagay na magaganda)

yun yun eh.

kahit sandali,
o sabihin na nating,
sa isang malawak na karagatan,
sa di sinasadyang oras, nakapag enjoy din ako kasama ang aking mga mahal sa buhay, and dalawa kong kapatid at ang dalawa kong pinsan.

:)

sa tingin niyo?
basta ako, unti unti na akong makakamove on. :))


gusto niyo bang makita yung lahat ng pictures? in a large size?
click mo yung nasa baba:

PIX!PIX!PIX!


Monday, April 27, 2009

pinakamaikling post: sana ay makakapagpost na ako ulit ng tulad ng dati... :((

ang gulo ng mundo ko ngayon.
hindi ko na alam kung saan ako magsisimula.
naghihinagpis ako sa mga bagay bagay na aking tinago sa aking sarili ng matagal.

ang hirap pala pag ikaw lang mag isa ang humaharap sa bawat problema, pag hindi mo sinishare sa iba.

sinosolo mo lang spagkat ayaw mo na nalalaman ng iba ang problema mo.

kaya eto ako ngayon, medyo nawawalan na ng pag asa.

noon, nakakaya ko pang ngumiti kahit na marami akong pinapasan sa aking sarili, pero ngayon..

hindi ko na talaga mapigilang umiyak.

paano ko to uumpisahan?
ang bagong buhay na gusto kong pasukin?
yung buhay na wala ng sakit na nagpapahirap sa akin..

at kung meron man ay sana yung unti unti lang kung magstrike sayo.

kailangan ko talaga ng tulong ngayon.

Tuesday, April 14, 2009

SANA. BAKIT.Salamat. Paalam.

heaven


Hindi ako nakapagudate ng aking BLOG dahil sa mga pangyayaring hindi ko inaasahan.
mga pangyayaring
PA-EPAL.
Nakakatuwa.

at mga pangyayaring nagpaluha sa aking mga mata.

Sana ay naging handa ako para sa mga pangyayaring yun.
Bakit pa ba kasi dapat mangyari yun?Salamat at nagnyari yun!
Pero hindi parin ako magpaPaalam sa mga pangyayaring yun, sapagkat alam kong mas marami pang mga pangyayaring susorpresa sa akin.


===========================

SANA.


*Hindi muna nagpaalam si Lola. hindi ko pa talaga halos matanggap ngayon ang nangyari. nabigla ako sa takbo ng mapaglinlang na mundo. Sino ang magaakala na siya ay mawawala na.?
marami talaga ang nabigla.
Agad na bumalik sa akin ang mga ala ala namin. ang mga oras na magkakasama ang buong pamilya at nagsasaya.
Ang iyong mga ngiti sa tuwing nakikita mo kaming masaya.
Pero kailangan na talaga naming tanggapin ang nangyari. sapagkat alam rin naming magiging masaya ka na rin sa bago mong buhay kasama ang Diyos.
Mahal ka namin at ang alaala mo ay magsisilbing marka sa aming puso.

SANA.

*Bumalik ang kahapon.
*Bumalik ang samahan na aking iniwan.
*Maging ok na ang lahat.
*Walang summer class. BADTRIP!


BAKIT.

*Kailangang mangyari ang lahat ng ito?
*Bakit kailangang parusahan ako ng todo sa kasalanang hindi ko naman nagawa,?

*Maraming mga haters?

Ang post na ito ay maaaring seryoso.
ang isip ko ngayon ay wala sa kanyang normal na kaanyuan.
hinahanap ko pa ng bawat pangyayari ng kahapon, ang mga pahina ng aking buhay na pinunit sa gitna ng unos na patuloy akong hinuhulma bilang isang ganap na tao.
===========================

tragedy

Friday, April 3, 2009

Mga sari-saring DIWA :x

(PAALAALA: Bago mo basahin ang post na ito, please.. basahin mo muna ang post bago ang post na ito, sapagkat ang post na ito ay nagsisilbing isang RANDOM Feelings sa mga bagay bagay na siguro ay wala ka namang pakialam.hehe..lol)

Mga damdaming nais isigaw.
Mga salitang kumukulong sa pansariling karapatan.
Mga diwang nais ipagyabang!
RAAAWWWWWWWWRRRRRRRR.. eto na!

si REMJO ay

* Nagka incomplete grade sa P.E dahil sa kalokohan ng tadhana. sa walang rason, binigyan ako ng ganung grade.huhuhu. kumpleto naman lahat ng practical ko hah. at ang taas ng exams ko. why?sabi ni mam, magkita daw kami, sa 7. humanda ka mam! :p

*Nagkaroon ng silbi sa mga batang nanlilimos.

*Nagkaproblema ang Photoshop sa bahay! at ayun, nagawan ko rin ng paraan. wheeww.

*pinagbawalan na gamitin ang phone ni ermat.huhu. why ma? why?

*Nag GLOBE na dahil sa mga kalokohan ng smart! hehe.. text me mga kaGLOBE!

*Masayang gumagawa ng gift/award para sa mga katropang blogger.

*Nagkaroon ng gana sa mga vintage effects sa pag eedit ng pics. wow. cute kasi.hehe :D

*Nagdrama sa kanyang huling post, about love issues na naman kasi.

*Naglipat ng Apartment! yahu! hindi na ako mag dodorm this summer! :p

*nakatext ang crush kagabi! ang saya!

*Oopps. pinagalitan ni momii dahil nagkaincomplete grade! mii, sorii.. labyu!hehe :)

*nabagsak yung phone.awts.

*Nagupdate ng FS profile!

*naubusan na ng lakas, at tatapusin na ang post na eto!

*gustong magkaroon ng maraming maraming comments!hehe


:P

SOME LAB Issues : Ang pagpipili

Sabi niya hindi ka niya iiwan.
sabi niya gagawin niya ang lahat para sa iyo.
sabi niya ibibigay niya lahat ng gusto mo.
sabi niya hinding hindi ka niya sasaktan at paluluhain.
sabi niya masaya siya pag masaya ka.
sabi niya.
sabi niya.


at sabi niya lang yun.
isang libo at higit pang sabi niya.
naniwala ka naman. at ito ka, nagmumukhang tanga, nakaupo nang nakahikbi sa madilim na sulok ng inyong kusina. tahimik at walang pakialam sa ingay ng mga bata na naglalaro sa labas ng bahay niyo.
saan ka nagkulang? saan?

bawat tao ay siguradong nakaranas ng matinding paghihinagpis mula sa isang matraumang pangyayaring dala ng break-up.
at marahil isa ka na dun, at kung hindi man, humanda ka na!

ayon sa aking pananaliksik, 66% ng mga kabataan ngayon, edad 15-19 years old ay nakaranas ng matitinding paghihinagpis dala ng break up, karamihan sa kanila ay mga babae, ang 18% naman ay masayang nakikipagdate sa kani kanilang mga syota, habang nagmamakawa ang 10% ng mga kabataang ito na sana ay may pumansin na sa nakatagong kagandahan nila at may magmahal sa kanila ng seryoso ,samantala, ang natirang 2% ay walang pakialam sa mundo at ang 4% naman ay ang mga hybrid (kilala niyo na sila).

Sang ayon ba kayo sa aking pananaliksik?Wag nang umangal!

66% ng mga kabataang naghihinagpis dala ng break up.
Umiiyak sila, nagiinuman sa gilid ng karsada, pinipilit na aliwin ang sarili sa pamamagitan ng redhorse.
meron ding nagkukulong sa kanilang kwarto, hindi kumakain ng almusal, pananghalian at kung minsan pati hapunan, ang epekto? ayun! gutom! sino ba naman ang hindi gugutumin nun!?
meron din namang inuubos ang lahat ng load sa pagtetext sa mga kaibigan, kulang ata sa mga advice ang mga batang ito, at ayun! naghahanap ng mga karamay.
BE CALM mga dude!

the END is not yet there!

magisip isip ka bago ka magreact sa inyong break up, its normal na mashock ka at umiyak. o di kaya ay magwala.
uhhmnn..
pag inom ng redhorz? ok rin yun!

PERO!

mas mainam ito:
source: siyempre sa aklat ko na naman, kabanata 15, pages 143-144

1. Kumain ng maraming tsokolate, dahil ito ay may phenylethylamine, pareho sa chemical na pinoproduce ng utak pag tayo ay naiinlab, so pag kumain tayo ng chocolate medyo marerefresh ang utak natin at ang feeling ng pagiging brokenhearted ay medyo mawawala, at yung mafefeel mo? parang inlab ka, kanino? aba, tanungin mo sarili mo! :p

2. Sa mga lalake, para malimutan niyo agad and sweetness ng gf niyo, este EX-GF niyo, kumain kayo ng mga mapapait at maasim na pagkain o inumin tulad ng suka. may nagsasabi na beer daw dahil mapait, pero hindi ko iminumungkahi yun dahil masusuka ka pa nun pag natamaan ka ng grabe. ang purpose ng mga pagkaing ito? mapapalitan ng pait at asim ang tamis na binibigay ng EXGF niyo sa inyo, sa ganitong paraan malilimutan niyo din sila pero hindi sa isang iglap kundi unti-unti o step by step.

3. Ang pagkain, parang sakit din to eh, so REST. huwag mo nang isipin ang mapait na nangyari sa iyo. ganito gawin mo, pumili ka ng isang araw na kung saan pwede mong i-reminisce ang mga moments niyong dalawa, pumunta ka sa lugar na parati niyong pinipuntahan, doon ka mag move-on, epektib din to eh, acceptance kasi ang tanging kailangan mo, after nito, REST, pakalmahin ang utak, matulog ka nang nakasmile, at pag gising mo pumunta ka sa harap ng bintana, ngumiti ka! proud mong isigaw "Im FREE!!!!!!!!".

Nakatulong ba?


18% naman ng mga kabataan ang masayang nakikipagdate sa kanilang mga syota.
Masaya ako sa kanila.
pero reminder lang, wag masyadong sweet o alam niyo na. KNOW YOUR LIMITATIONS!
Wag magmadali!
at studies muna sa ngayon, at kung hindi na talaga mapigilan, eh di hindi, ano to? sapilitan?brutal ko naman kung pipigilan ko kayo.

pero seriously, again, its up to you! kung gusto niyo pa ng BETTER FUTURE tsaka HAPPY EVER AFTER. :)

10% naman ng mga kabataan sa ngayon ang nagmamakawa na sana ay may pumansin na sa kanila.
Mga dude! God has a plan para sa inyo!
Just keep waiting. pero, habang naghihintay kayo, gumawa din kayo ng move! wag niyong ikulong ang inyong mga sarili sa isang madilim na kahapon at phobia niyo dahil sa mga pangyayaring inyong natunghayan sa mga mahal niyo sa buhay, kaya nga may tinatawag tayong INDIVIDUAL DIFFERENCES sapagkat ang mga tao ay iba-iba ang isa ay hindi nagdedefine sa lahat!
so, make your move din!
at huwag mainip, malay niyo kayo ang magiging next first lady ng bansa o di kaya ang hubby ng magandang si ANGEL LOCSIN.

2% naman ay walang pakialam sa mundo.
(pabayaan na natin sila, kanya kanyang trip to eh!)

4% naman ay ang mga hybrid.
woot...sang ayon ba kayo sa relasyong lalake sa lalake at babae sa babae?
mukhang ang sagwa pero hindi natin sila masisisi at lalong hindi natin sila majujudge ng ganun na lang.
sabi nga nila, kapag tumibok ang puso, magpasalamat ka dahil buhay ka pa, sapagkat kung hindi ito tumitibok, ouch, multo ka na siguro! :p

seriously, we have our rights, so sila din, may right din silang mamuhay ng masaya, so kung saan man sila masaya, suportahan nalang natin sila! woohhoo!

PERO advice lang sa kanila. wag sana silang magpakatanga dahil may ilan tayong kapwa na mapagsamantala na ang habol lang sa kanila ay...jaraann... PERA at minsan, kasikatan. tsk3. ganyan kabrutal ang mundo ngayon.

So ikaw? saan ka nabibilang?
sa 66% ba?
sa 10% ba?
sa 4% ba?
o
wala ka na talagang pakialam at ikaw ay nibibilang sa 2%?

THINK TWICE! RAWRMATE!

==========================

oopss.. ill start giving gifts na!hehe..
bilang pag appreciate sa mga tagasubaybay ng blog ko. and the first gift will be given to:
jaraan:

AWARDFORCINDY