Wednesday, October 21, 2009

LETTING GO - (Birthday Gift ko sa sarili ko. :') )

nagising ako na may bakas pa ng luha sa aking mga mata, its late...
hindi ko na namalayan ang maagang pagsikat ng araw dahil nagpuyat na naman ako sa pagiisip sa mga bagay bagay na pilit ko pa ring hinahanapan ng dahilan kung bakit nangyayari lahat ng yun sakin.
pilit ko ring inaalis ang katotohanang unti unti akong binabago at ang pananaw ko sa aking sarili.

yehp i admit mahina ako, even tho natatago ng matatamis na ngiti yung nararamdaman ko pag humarap ako sa ibang tao at sa parents ko, still at the end of the day wala na ang mga matatamis na ngiting yun, napapalitan na ng mga luhang kung hindi man pumatak mula sa aking mga mata ay sinasalo naman ng puso kong hirap na hirap na sa kanyang nararamdaman.

ang buhay ko bilang isang 17-year old ay napuno ng emosyon, doon ko nakilala ng lubos ang aking sarili, doon ko rin naramdaman ang mga bagay na dapat hindi ko nararamdaman, in short napakaCOMPLICATED ng "17-yr old years" ko...(may konting tawa.)lol

mahirap din pala magpaalam sa yong minahal na edad noh?

yehp, i love livin in a 17-yr old world even tho minsan parang gigive up na ko.., gaya nga ng sinabi ko, dun ko nakilala ang aking sarili at doon ako nagising sa mga mapapait na katotohanan na obviously wala na akong magagawa kundi tanggapin na lang lahat ng yun, at hintayin na lamang na ang ORAS ang hihilom sa mga sugat dala ng stupidong katotohanang yun!
at alam na alam ko na kahit gaano pa kasakit to, sa huli, ako pa rin ang panalo, dahil sa mga sugat at sa pangyayaring dinala sakin naging isang ganap na TOTOONG TAO ako.
just like what goo goo dolls said:( from their song, IRIS)
YEAH ! YOU BLEED JUST TO KNOW YOUR ALIVE.

at yun nga 18 na ako ngayon.

18 years na akong nabubuhay bilang remjo sa mapaglinlang na mundong ito...
marami na ang nagbago sa akin dala ng panahon. marami na akong nakilala na naging parte na ng pagbubuo sakin bilang ganap na tao.

marami na akong naranasan na nagsisilbing basehan ko sa pagharap sa bawat pagsubok na dala ng tadhana sa akin.

at handa na rin akong humarap pa sa maraming pagsubok na ibabato sa akin ng mundo.
masasabi ko na talaga ngayon na iba na ako, sa pag-iisip, naging mature na kasi ang pananaw ko sa Buhay. nagiba na rin ang opinyon ko sa mga bagay-bagay na akala ko noon ay napakasimple lang...

eto ako ngayon, unti unti nang nagkakaroon ng ngiti sa pagharap sa bago kong buhay, buhay na aking pinili at kailanman ay hinding hindi ko pagsisisihan sapagkat ako ang pumili nito,
ngingiti ako ng totoo pag masaya ako,
iiyak din ako if gusto ko at di ko na talaga makayanan.
yan ang buhay eh...
ang hindi ko na magagawa ngayon ay ang magpakaplastik sa aking sarili.

ayoko nang magdeny sa feelings ko.
ayoko nang tumawa ng peke.

ill just make myself busy in spending my time with that person,
that person na nagbibigay o pumupuna sa mga kailangan ko at kasiyahan ko.
i dont care if ano sabihin ng iba,
but for me i will choose the person

*who will treat me with same respect in which I treat him,
*who will be honest from the start and alam kung pano maging masaya.
*alam kung pano makinig ATTENTIVELY and not just hear.
*with a sense of humor and appreciation sa mga simpleng bagay sa buhay.
*that can allow me to have some time alone and space to grow.
*that is educated, educated meaning they're open minded and willing to learn and experience new things and possibly step outside their comfort zone every now and again.


I choose the person who truly wants me for me.


----------------------------------------

its time to embrace the change and go on with my life.
LIVE MY LIFE the way i want...

happiness is a choice.
so rakrakan na!

----------------------------------------

2 comments:

cyndirellaz said...

happy bday!!! asan ang 18 roses? 18 candles? lol! hehe! correct, kahit ako i love being 17 but sad to say I have to move on and go on with my life, malay mo, mas sumaya ka ngayung 18 ka na and for sure you're gonna embrace the fact that you love being 18 too ^__^

Nash said...

happy birthday :)

stay ALIVE

stay HAPPY

stay POSITIVE

cheers!

rawwwwr!