Friday, April 3, 2009

SOME LAB Issues : Ang pagpipili

Sabi niya hindi ka niya iiwan.
sabi niya gagawin niya ang lahat para sa iyo.
sabi niya ibibigay niya lahat ng gusto mo.
sabi niya hinding hindi ka niya sasaktan at paluluhain.
sabi niya masaya siya pag masaya ka.
sabi niya.
sabi niya.


at sabi niya lang yun.
isang libo at higit pang sabi niya.
naniwala ka naman. at ito ka, nagmumukhang tanga, nakaupo nang nakahikbi sa madilim na sulok ng inyong kusina. tahimik at walang pakialam sa ingay ng mga bata na naglalaro sa labas ng bahay niyo.
saan ka nagkulang? saan?

bawat tao ay siguradong nakaranas ng matinding paghihinagpis mula sa isang matraumang pangyayaring dala ng break-up.
at marahil isa ka na dun, at kung hindi man, humanda ka na!

ayon sa aking pananaliksik, 66% ng mga kabataan ngayon, edad 15-19 years old ay nakaranas ng matitinding paghihinagpis dala ng break up, karamihan sa kanila ay mga babae, ang 18% naman ay masayang nakikipagdate sa kani kanilang mga syota, habang nagmamakawa ang 10% ng mga kabataang ito na sana ay may pumansin na sa nakatagong kagandahan nila at may magmahal sa kanila ng seryoso ,samantala, ang natirang 2% ay walang pakialam sa mundo at ang 4% naman ay ang mga hybrid (kilala niyo na sila).

Sang ayon ba kayo sa aking pananaliksik?Wag nang umangal!

66% ng mga kabataang naghihinagpis dala ng break up.
Umiiyak sila, nagiinuman sa gilid ng karsada, pinipilit na aliwin ang sarili sa pamamagitan ng redhorse.
meron ding nagkukulong sa kanilang kwarto, hindi kumakain ng almusal, pananghalian at kung minsan pati hapunan, ang epekto? ayun! gutom! sino ba naman ang hindi gugutumin nun!?
meron din namang inuubos ang lahat ng load sa pagtetext sa mga kaibigan, kulang ata sa mga advice ang mga batang ito, at ayun! naghahanap ng mga karamay.
BE CALM mga dude!

the END is not yet there!

magisip isip ka bago ka magreact sa inyong break up, its normal na mashock ka at umiyak. o di kaya ay magwala.
uhhmnn..
pag inom ng redhorz? ok rin yun!

PERO!

mas mainam ito:
source: siyempre sa aklat ko na naman, kabanata 15, pages 143-144

1. Kumain ng maraming tsokolate, dahil ito ay may phenylethylamine, pareho sa chemical na pinoproduce ng utak pag tayo ay naiinlab, so pag kumain tayo ng chocolate medyo marerefresh ang utak natin at ang feeling ng pagiging brokenhearted ay medyo mawawala, at yung mafefeel mo? parang inlab ka, kanino? aba, tanungin mo sarili mo! :p

2. Sa mga lalake, para malimutan niyo agad and sweetness ng gf niyo, este EX-GF niyo, kumain kayo ng mga mapapait at maasim na pagkain o inumin tulad ng suka. may nagsasabi na beer daw dahil mapait, pero hindi ko iminumungkahi yun dahil masusuka ka pa nun pag natamaan ka ng grabe. ang purpose ng mga pagkaing ito? mapapalitan ng pait at asim ang tamis na binibigay ng EXGF niyo sa inyo, sa ganitong paraan malilimutan niyo din sila pero hindi sa isang iglap kundi unti-unti o step by step.

3. Ang pagkain, parang sakit din to eh, so REST. huwag mo nang isipin ang mapait na nangyari sa iyo. ganito gawin mo, pumili ka ng isang araw na kung saan pwede mong i-reminisce ang mga moments niyong dalawa, pumunta ka sa lugar na parati niyong pinipuntahan, doon ka mag move-on, epektib din to eh, acceptance kasi ang tanging kailangan mo, after nito, REST, pakalmahin ang utak, matulog ka nang nakasmile, at pag gising mo pumunta ka sa harap ng bintana, ngumiti ka! proud mong isigaw "Im FREE!!!!!!!!".

Nakatulong ba?


18% naman ng mga kabataan ang masayang nakikipagdate sa kanilang mga syota.
Masaya ako sa kanila.
pero reminder lang, wag masyadong sweet o alam niyo na. KNOW YOUR LIMITATIONS!
Wag magmadali!
at studies muna sa ngayon, at kung hindi na talaga mapigilan, eh di hindi, ano to? sapilitan?brutal ko naman kung pipigilan ko kayo.

pero seriously, again, its up to you! kung gusto niyo pa ng BETTER FUTURE tsaka HAPPY EVER AFTER. :)

10% naman ng mga kabataan sa ngayon ang nagmamakawa na sana ay may pumansin na sa kanila.
Mga dude! God has a plan para sa inyo!
Just keep waiting. pero, habang naghihintay kayo, gumawa din kayo ng move! wag niyong ikulong ang inyong mga sarili sa isang madilim na kahapon at phobia niyo dahil sa mga pangyayaring inyong natunghayan sa mga mahal niyo sa buhay, kaya nga may tinatawag tayong INDIVIDUAL DIFFERENCES sapagkat ang mga tao ay iba-iba ang isa ay hindi nagdedefine sa lahat!
so, make your move din!
at huwag mainip, malay niyo kayo ang magiging next first lady ng bansa o di kaya ang hubby ng magandang si ANGEL LOCSIN.

2% naman ay walang pakialam sa mundo.
(pabayaan na natin sila, kanya kanyang trip to eh!)

4% naman ay ang mga hybrid.
woot...sang ayon ba kayo sa relasyong lalake sa lalake at babae sa babae?
mukhang ang sagwa pero hindi natin sila masisisi at lalong hindi natin sila majujudge ng ganun na lang.
sabi nga nila, kapag tumibok ang puso, magpasalamat ka dahil buhay ka pa, sapagkat kung hindi ito tumitibok, ouch, multo ka na siguro! :p

seriously, we have our rights, so sila din, may right din silang mamuhay ng masaya, so kung saan man sila masaya, suportahan nalang natin sila! woohhoo!

PERO advice lang sa kanila. wag sana silang magpakatanga dahil may ilan tayong kapwa na mapagsamantala na ang habol lang sa kanila ay...jaraann... PERA at minsan, kasikatan. tsk3. ganyan kabrutal ang mundo ngayon.

So ikaw? saan ka nabibilang?
sa 66% ba?
sa 10% ba?
sa 4% ba?
o
wala ka na talagang pakialam at ikaw ay nibibilang sa 2%?

THINK TWICE! RAWRMATE!

==========================

oopss.. ill start giving gifts na!hehe..
bilang pag appreciate sa mga tagasubaybay ng blog ko. and the first gift will be given to:
jaraan:

AWARDFORCINDY

1 comment:

cyndirellaz said...

uy salamat!! weee! ngayun lang ako nagkaroong ng personalized na award!! ahaha!! thank you talaga ah!! i really appreciate this one!! weee!! mabuhay! rawr!!!