Monday, March 9, 2009

Byahe ng Buhay ...



Natamaan ng kidlat.
Nasagasaan.

Nagkasakit.
Natulog at di na kailan pa nagising ulit.



Ang buhay talaga ay sadyang napakaiksi.
hindi natin mapapansin na ang mga bagay na ating binibigyan ng malaking value ay unti-unti nang naglalaho.

sa pagkamatay ng king of rap na si Francis M, ako ay napaisip.
sa sandaling iyon, pagkatapos kong marinig ang malungkot na balita, masasabi nating naapektuhan din ako.

"Ang buhay talaga, unpredictable, hindi natin alam kung hanggang saan at kailan tayo dito sa mundo."

doon ko din narealize na kailangan nating magenjoy habang tayo ay nabubuhay, hindi lahat ng bagay ay permanente, lahat ay naglalaho din sa huli, kung hindi ito mawawala sa iyo, maaaring ito ay kukunin sayo.

doon ko din nasabi sa mahal kong sarili na wag masyadong dibdibin ang mga problemang dumarating sapagkat sa huli ay ito din ay maglalaho, sa halip ay dapat maging masaya na lang ako at tanggapin ang mga pagsubok na iyon sapagkat yun ay makakatulong din sa akin.

FRANCIS M.

bawat salitang iyong binitawan sa iyong mga kanta ay tumatak na sa aming mga puso.

ang pagmamahal mo sa iyong pamilya ay naging inspirasyon na ng ibang pilipino.

saludo kami sa pagharap mo sa matinding pagsubok na nagpapakita ng iyong katapangan.

Paalam na KING of RAP.

sigurado akong ang mahabang byaheng iyong linakbay kasama ang iyong mga mahal sa buhay ay maituturing na hindi makakalimutang karanasan ng mga taong malalapit sa iyong puso.

1 comment:

cyndirellaz said...

gusto ko ang kantang kaleidoscope ni Francis M. may mga meaning talaga ang kanta niya no? nagsilbi siyang inspirasyon sa ating lahat. sumalangit nawa! RIP idol!tama ka, we have to seize the day. kumbaga live life to the fullest dahil ang buhay nating ito, ay napaka fragile.