Friday, March 27, 2009

SUMMER Sickness! and SOME updates.

feeltheheat


BEACH!
POOL Session!
Hiking!

huwwwaaaawww!!!

envy envy mode muna ako sa ngayon!


its summer!
panahon na naman nag pag gala!

well, last year, medyo masaya yung summer ko kasi maiituturing talagang breaktime yun sakin. ligtas sa mga assignments, exams, tsaka mababawasan ang mga trip at kademonyohon na ginagawa namin ng mga barkada ko.
pero sa ngayon, wala munang beach.

nasa ibang level na ako eh.we have our summer class.
and that would be HELL!
*ouch... i have to face this na naman, minimize my blogging time tsaka yung pag gagala sa NET!
:(

...but hindi yun hadlang para hindi ko ma update yung blog ko.
gagawa ako ng mga bagong articles at mga kung ano anong nasa loob ng utak ko, maybe mamayang gabi, bukas, bukas makalawa o kung kelan aandar ang utak ko!
maarte kasi utak ko eh, mapili sa season kung kelan niya gustong magpakitang gilas. :D

for now, nasa bahay lang ako. in front of my PC. nagmamakaawa na nga yung mga mata ko, ughh, kulit ko din kasi mga 10hours yata ako sa front ng PC and guess what, ang tanging ginagawa ko lang is mag PHOTOSHOP.. yah i admit! im really addicted to photoshop, naging passion ko na siya, everyday yata may mga bagong effects and techniques akong nagagawa at natutuklasan, so ayun! wala na kasi akong ibang mapaglilibangan ngayon dito sa bahay, im planning to have a vacation sa bahay ng LOLA ko sa mother side but 2 weeks na lang ang natitira at summer class na namin. so tragic.lol. .

ilan sa mga masterpiece ko ngayon(produkto ng taong walang magawa sa bahay):

iampinoy

iampinoy

iampinoy

iampinoy

iampinoy

iampinoy



sa palagay ko madadagdagan pa mga graphics ko. wala na talaga akong mapaglilibangan eh. hindi naman ako mahilig sa sports, tapos lahat na ata ng mga libro sa bahay nabasa ko na, pati nga yung mga libro ng kapatid kong grade4.:)

By the way, eto na pla yung video presentation namin sa Religion class na gawa ko about divorce, pagpasensyahan niyo na ang ibang errors dian, watch niyo naman,hehe.



Sa lahat na nag eenjoy sa mga bakasyon nila,
GUDLUCK sa inyo! ienjoy niyo na ng husto hanggat nandiyan pa kayo!
wag kayong tumulad sa akin!hehe

Sige mga kabloggers, i can really feel the HEAT of SUMMAH! haha :)


Monday, March 23, 2009

Mga Kwentong nagsisiksikan sa aking utak.



di ba?

yah! hindi ako nakapag update ng aking blog dahil nga sa aking pagiging busy sa school.hay.
tinatamad na talaga ako, pero enjoy naman.

ano nga ba ang nangyari sa akin nitong mga nakaraang araw?
nakapulot kaya ako ng mga leksyon sa mga pangyayaring ginawa akong slave these past few days?
eh naturuan naman kaya ako ng mga taong involved sa mga pangyayaring yun?

Syempre naman! tara! samahan niyo ako at ipapakita ko sa inyo lahat ng mga nangyari sa pabusy-busyhan na si ako!

First stop: CULMINATING ACTIVITY sa SOCSCI

nagkaroon kami ng culminating activity sa socsci na dinaos sa bahay ng isa sa mga close friends ko ngayong college, si Mitch, ayon sa aking memory: nagkaroon kami ng sari-saring games, .. at ang nakakatuwa sa lahat ng games, ay ang Noli Me Tangere..

familiar ba kayo sa larong HepHep Hurray sa Wowowee?
yun! may version kami nun! Noli! Me tangere!
geez.. looks so disgusting, pero at least nag enjoy kami.
Noli! me tangere! :)

Black and white yung party theme, so todo naman yung pagiging black and white ng mga foods except na lang siguro sa juice tsaka spag.haha

gusto niyo bang makita ang pics sa party na namin?
jarraaann!


life is evathat rudenesswaliking awaepinkblackhe and shethe sceneits mah groupies.want some?


Second Stop: Outreach sa OTON!

isa sa mga pinagenjoyan ko this past few weeks.
hindi lang kami nakatulong sa Oton, kundi natulungan din namin ang aming mga sariling magkaroon ng self confidence at mapamalas ang kanyakanyang galing.

napasaya din namin ang mga bata dun.want some pics?
jaraan:


groupiesinvadehoperosememgoldagainwalktiredrealizetxtagainstborn2savemagno
weplanttrees



Third Stop: Project in R.E

nagkaroon kami ng presentation sa Religion Class namin.
and heres our movie documentray. ipopost ko dito yung video soon!
hindi asi ako maka upload ng video sa youtube ngayon.
tsk.tsk.












sige. hanggang sa susunod na trip! eto na lang muna sa ngayon.

RAAWWWRR!!

Thursday, March 19, 2009

LOGIC!



uhmm. kinda busy pa po ako ngayon sa finals namin. marami na akong gustong ishare sa inyong thought pero, gonna do it next time, ang pic pala na iyan ay kuha sa aming culminating activity sa aming SOCSCI, gonna post sum of the pics soon.haist.

cge, ingat kayo kabloggers! :)

technically, am a monster. :p

eto pa pala, my dark side! presenting, the cheerful monster!haha, ako po yan!

kipseyf! rawwwrrr. :3

Wednesday, March 11, 2009

BABALA: Ang mga kaibigan ay nakamamatay!


sila ang mga taong iyong tinetext pag ikaw ay may problema.
sila ang mga taong nakakaalam ng iyong tunay na ugali.
sila ang mga taong tinutulungan ka kapag ikaw ay naliligaw.

o

sila ang mga taong magdodown sayo!
sila ang mga taong magpapahiya sayo!
sila ang mga taong sasaksakin ka sa likod!

o para mas brutal,

sila ang mga taong bubuhusan ka ng asido,
puputulin ang iyong mga darili, titinidorin ang iyong mga mata
at ipapakain sa aso.

sila ang iyong mga KAIBIGAN



"No man is an island"
eh, ano ngayon?

talaga namang walang taong isla!
pero look behind that line, sigurado akong narinig mo na ito ng ilang beses na.
ipinaalaala nito sa atin na ang tao ay "Wala" pag walang taong pumapalibot sa kanya.

in short, it is a must to have a FRIEND!

Ano nga ba ang ibig sabihin ng kaibigan?
Ayon sa aking diksyunaryo, ang kaibigan ay ang taong magpapautang sayo pag wala kang pera, sinisigawan ka sa maraming tao, pinapahiya ka, at ang taong alam lahat ng iyong maiitim na sikreto, pero sa likod ng kabrutalan ng taong iyon, ang kaibigan ay ang taong itinali sa iyong puso, ipinanganak upang tulungan ka, oo pinapautang ka niya, sapagkat ayaw niyang magutom ka, oo, sinisigawan ka nya sa maraming tao, sapagkat gusto nyang kulitin ka, kinukulit ka sapagkat gusto nya ng memories nyong dalawa na masaya, pinapahiya ka upang gumising ka sa mga madidilim na katotohanan at baguhin ang mga nasa iyong sarili na kailangan mong baguhin, oo alam nya ang mga miitim mong sikreto pero siya lang at ang aso nya ang may alam nun, hindi na niya ikiakalat sa iba, ang kaibigan ay ang taong alam ang limitasyon sa bawat salitang binanggit dito.Alam niya lahat ng limitasyon para di masira ang inyong relasyon.

MGA Uri ng KAIBIGAN ayon sa LIBRO ni REMJO:(kabanata 4, pahina 30-32)
(kunwari may libro ako)

1.May mga kaibigang tahimik pero magloloko lang pag dalawa lang o kayo lang ng mga barkada niyo, ibig sabihin, komportable ang taong ito pag kasama ka niya.

2.May kaibigang maloko pero pagkatapos magloko may mga words of wisdom na ipapasok sa utak moh, ito ang uri ng kaibigan na masarap kasama, dahil sa likod ng mga ngiti niya may nageemote na puso sa loob nia.

3.May mga kaibigang pang senti ang dating, sila ang mga taong ala-Shakespeare pag nagbigay ng mga advice. "Dont worry, time will come that your haters will learn to dicover the real you, wag mong tapusin ang buhay mo dahil lang sa kanila, kundi tapusin mu lang ang buhay mo pag kaming kaibigan mo ay nawala sayo, ngayon pa lang, magbilang ka na kung ilan kami, tapos multiply mu sa 5, bilangin mo na rin kung ilan ang haters mo, tapos divide mo sa 3, kung mas madami kami, eh di mas konti sila!" -naks!

4.May mga kaibigang tahimik.























yun lang, tahimik kasi sila kaya wala akong gaanong impormasyong nakalap tungkol sa kanila.

6.May mga kaibigang sadyang matulungin, papautangin ka kahit ala na siyang pera, parating nanlilibre, pero sana wag niyong abusuhin ang mga taong ito, dahil ito ang klase ng kaibigang endangered na ngayon!

7.May mga kaibigang malilimutin, nakalimutang ibigay ang panglimag uri ng kaibigan, dumiretso na lang sa number 6. hanapin mo ang number 5 na uri ng kaibigan!


ang panglimang uri ng kaibigan ay ikaw! dahil ikaw ang uri ng taong nagbigay ng time para basahin ang post ko, ikaw ang nag aapreciate sa mga gawa ko, dahil dyan,
bibigyan kita ng

POOWWWEEEEERRRR HHHUUUUUUUGGGGGGG!!!


EXERCISES:
Pagkatapos basahin ang mga uri ng mga kaibigan, Bigyan ng sagot ang mga sumusunod:

1.Magbigay ng halimbawa ng tahimik na kaibigan, tapos ilagay ang url ng picture niya at FS sa chatbox ko, kailangan ko kasi ng sources.

2.Bilugan ang naiiba:

pinautang ka ni NENA.
binato ka ni Juan.
Bestfriend.
sinigawan ka ni PEDRO.
manok.


3.Saang uri ako ng kaibigan nabibilang?magbigay ng rason at ilagay sa 1 whole manila paper at ireport sa buong barangay!

Monday, March 9, 2009

Byahe ng Buhay ...



Natamaan ng kidlat.
Nasagasaan.

Nagkasakit.
Natulog at di na kailan pa nagising ulit.



Ang buhay talaga ay sadyang napakaiksi.
hindi natin mapapansin na ang mga bagay na ating binibigyan ng malaking value ay unti-unti nang naglalaho.

sa pagkamatay ng king of rap na si Francis M, ako ay napaisip.
sa sandaling iyon, pagkatapos kong marinig ang malungkot na balita, masasabi nating naapektuhan din ako.

"Ang buhay talaga, unpredictable, hindi natin alam kung hanggang saan at kailan tayo dito sa mundo."

doon ko din narealize na kailangan nating magenjoy habang tayo ay nabubuhay, hindi lahat ng bagay ay permanente, lahat ay naglalaho din sa huli, kung hindi ito mawawala sa iyo, maaaring ito ay kukunin sayo.

doon ko din nasabi sa mahal kong sarili na wag masyadong dibdibin ang mga problemang dumarating sapagkat sa huli ay ito din ay maglalaho, sa halip ay dapat maging masaya na lang ako at tanggapin ang mga pagsubok na iyon sapagkat yun ay makakatulong din sa akin.

FRANCIS M.

bawat salitang iyong binitawan sa iyong mga kanta ay tumatak na sa aming mga puso.

ang pagmamahal mo sa iyong pamilya ay naging inspirasyon na ng ibang pilipino.

saludo kami sa pagharap mo sa matinding pagsubok na nagpapakita ng iyong katapangan.

Paalam na KING of RAP.

sigurado akong ang mahabang byaheng iyong linakbay kasama ang iyong mga mahal sa buhay ay maituturing na hindi makakalimutang karanasan ng mga taong malalapit sa iyong puso.