Malapit na naman ang araw ng mga puso!
Siguradong bentang benta na naman ang mga rosas na pula.
Cake na hugis puso.
Mga kwentas, singsing.
Siguradong puno na naman ang mga restaurant,
mga dating places.
at pati na rin mga motel.(hehe)
Naaalala ko pa nung bata pa ako, ang pagkaintindi ko sa balemtayms day ay isang araw na kung saan pula lahat dapat isuot ng mga tao, pano naman kasi, kapag february 14, sinasabihan kami ng mga teachers namin sa elementary na wag suotin ang uniporme, sa halip ay magsuot ng kulay pula na damit.
Sa huli ko na lang naintindihan ang tunay na kahulugan ng balemtayms, ito pala ay araw ng mga nagmamahalan, hindi lamang ng mga magnobyo at magnobya, kundi pati ng pamilya at mga kaibigan.
Nung highschool nga kami, kami lang ng mga kaibigan ko ang nagcelebrate ng balemtayms kasi mga single kami, at ayun, bumili ako ng cake na hugis puso at yun yung pinagsaluhan namin sa plaza.
ang saya nun.Pero nag iba na ang ihip ng hangin ngayon, siguro magiging iba yung pagcelebrate ko ng balemtayms day..
gagawin ko itong espesyal,
siguro ay hahatiin ko ang araw na iyon sa aking pamilya, kaibigan at siempre sa taong nagpatibok muli ng aking puso, gagawin ko lahat para maramdaman nila yung pagmamahal ko, malay mo, last balemtayms day ko na pala ito.
Pero dapat din nating tandaan na hindi lang dapat sa balemtayms dapat iparamdam ang inyong pagmamahal sa inyong mga magulang , nobyo at nobya at mga kaibigan, kundi araw-araw nyong iparamdam sa kanila ang pagmamahal niyo, para malaman din nilang espesyal sila sa iyo.
Kayo? ano plano nyo?
1 comment:
plano? cguro family lang muna sa ngayon ^^ chat chat din kami ni soulmate at cguro manonood ng movies!
Post a Comment