Tuesday, February 24, 2009

Mga tanong na dapat bigyan ng katarungan!

lets talk..

uhhm..

marami akong tanong sa aking sarili ngayon.
tanong na nagpapagulo sa aking mga ginagawa.

Ilan sa mga tanong nagpapagulo sa akin na kinakailangan nang magkaroon ng solusyon ay ang mga tanong na sigurado akong tinatanong nyo rin sa inyong mga sarili.. in short, dapat ninyong basahin lahat ng nilalaman ng post na ito sapagkat mamatay kayo kung hindi nyo ito ginawa. (nanakot ba naman?haha) ang ibig kong sabihin ay mamatay kayong hindi nahahanapan ng solusyon ang mga tanong na iyon!

Tanong: Bakit maraming haters? insecure lang ba sila o la lang talagang magawa?

Sagot: Pra sakin, insecure lang sila. Sapagkat dalawa lang ang binigay na choices sa taas, "insecure lang o la lang talagang magawa" , napakabobo ko naman kapag pinili ko yung "la lang talagang magawa" sapagkat lahat ay may rason. Sino ba nagimbento ng tanong na iyan at dalawa lang yung binigay na choices? tuturuan ko siya kung pano gumawa ng tanong at magbigay ng choices.haist.
Maraming haters sapagkat maraming magagaling.
Maraming mga magagaling sapagkat maraming haters na ginagawa nilang inspirasyon upang makagawa ng ilang mga bagay na magaganda.
Maraming mga magagandang bagay sapagkat maraming magagaling ang gumagawa nito at etcetera.


Tanong: Bakit kailangang mag-aral bago makapagtrabaho?

Sagot: "Bobo parin ang dumiscover ng tanong na ito eh, pano tayo matututo kapag hindi tayo nag aral?
pano tayo guguhit kapag di natin alam kung ano ang drawing?"

- uhhmm.maaring ito ang magiging sagot ng mga pilosopong tao, pero may point sila,sapagkat 70% ng laman ng ating utak ay galing sa eskwelahan at yun ay ayon sa aking imahinasyon, in short, imbento ko lang. so dapat muna nating magaral bago makapagtrabaho. dapat muna nating magkaroon ng knowledge sa mga bagay bagay na ating nakikita bago tayo gumawa ng mga bagay bagay na makikita din ng iba.

Pero, may mga trabaho na di na kailangang pagaralan pa, ang ilan ay nasa ibaba:

Kidnapper- trabaho ng mga mag asawang walang anak, kaya kung gusto mong magkaroon ng anak, maging kidnapper ka na! free na! magkakapera ka pa! hindi na kailangang magaral. Ang kailangan mo lang gawin ay pumunta sa pinakamalapit na presinto, siguradong makakakita ka dun ng maraming kidnapper, sa kanila ka kumuha ng advice.

Basurero- Obvious ba? di na dapat magaral sa field na ito, kailangan mo lang ay pumulot ng basura. oh di ba? mababansagan ka pang Nature Lover, nakakatulong ka kasi kay mother earth.

So ano? ano gusto mo? magaral muna bago makapagtrabaho o magpakasarap ka na lang sa buhay mo at pumili ng mga trabahong di na kailangang pagaralan tulad ng mga nasa itaas?

Tanong: Bakit may Mathematics?

Sagot: Para may Mathematician of the Year Award kapag Recognition day sa elementary.

Tanong: Bakit maraming PROSTITUTE kapag gabi?

Sagot: Imagine yourself as a prostitute, magduty ka 12:00 ng tanghali, sigurado akong marami kang customer...

Tanong: Bakit may break up? :[

Sagot: Pinanganak kasi ako.
kailangan din ng mga magsyota na malaman kung sila nga ang para sa isat isa.
Wala na kasing LOVE sa pagitan nila.

Tanong: Bakit ako tanong ng tanong?at ako rin naman ang sagot ng sagot? does it mean na tanga ako?

Sagot: Hindi ka tanga, genius ka lang talaga. talented sa pagtanong, talented pa sa pagsagot.

;)


Oh ano?
Tama ba mga sagot ko sa mga tanong ko?
if hindi, MALI ka! haha.


------------------------------------


NSTP in OTON pics!
saya nito!:3 :






Poster ng posibleng magiging film ng aming section:

Friday, February 13, 2009

My Vector Collection

WEE. post ko yung mga vector works ko dito, hindi siya ganun kagandahan pero pinagpawisan ko yan, at tiniis ang sakit ng aking mga mata para makagawa ng ganyan. sana ay may maka appreciate.hehe.

Kung nais niyong magsuggest at magcomment tungkol dito, ay welcome kayo!

PS: Kung nais niyong magpagawa ng tulad nito, post lang kayo ng comment dito,.

salamat! :]

eto na sila:





























---------------------

Thursday, February 5, 2009

.•.•x.[BALEMTAYMS].x•.•.

Malapit na naman ang araw ng mga puso!
Siguradong bentang benta na naman ang mga rosas na pula.
Cake na hugis puso.
Mga kwentas, singsing.

Siguradong puno na naman ang mga restaurant,
mga dating places.

at pati na rin mga motel.(hehe)

Naaalala ko pa nung bata pa ako, ang pagkaintindi ko sa balemtayms day ay isang araw na kung saan pula lahat dapat isuot ng mga tao, pano naman kasi, kapag february 14, sinasabihan kami ng mga teachers namin sa elementary na wag suotin ang uniporme, sa halip ay magsuot ng kulay pula na damit.

Sa huli ko na lang naintindihan ang tunay na kahulugan ng balemtayms, ito pala ay araw ng mga nagmamahalan, hindi lamang ng mga magnobyo at magnobya, kundi pati ng pamilya at mga kaibigan.

Nung highschool nga kami, kami lang ng mga kaibigan ko ang nagcelebrate ng balemtayms kasi mga single kami, at ayun, bumili ako ng cake na hugis puso at yun yung pinagsaluhan namin sa plaza.
ang saya nun.Pero nag iba na ang ihip ng hangin ngayon, siguro magiging iba yung pagcelebrate ko ng balemtayms day..
gagawin ko itong espesyal,

siguro ay hahatiin ko ang araw na iyon sa aking pamilya, kaibigan at siempre sa taong nagpatibok muli ng aking puso, gagawin ko lahat para maramdaman nila yung pagmamahal ko, malay mo, last balemtayms day ko na pala ito.

Pero dapat din nating tandaan na hindi lang dapat sa balemtayms dapat iparamdam ang inyong pagmamahal sa inyong mga magulang , nobyo at nobya at mga kaibigan, kundi araw-araw nyong iparamdam sa kanila ang pagmamahal niyo, para malaman din nilang espesyal sila sa iyo.

Kayo? ano plano nyo?

.•.•x.[bored].x•.•.


Ano kaya magandang gawin kapag nabobored ka?
uhmm.
kumain kaya ako ng apoi.
hindi, masyadong exciting yun.

subukan ko kayang kumain ng maraming maraming tsokolate.

hindi.. masyadong sweet yun, masama sa health ko.

wat if.

magsulat na lang ako ng libro?
kaya ko kaya yun? eh ano naman kaya ang title?
dapat yung malakas ang dating sa masa, yun bang nagrereflect sa status ng ating bansa ngayon, yung makakainspire sa kabataan for them to embrace the change, something na aaliw sa kanila habang nagbibigay ng mga aral na makakatulong sa pag unlad ng ekonomiya ng bansa, yung tipong maipagmamalaki din ng mga OFW ang bansang kanilang pinang galingan.
pero posible kaya yun?
yun sana gusto ko eh, maka inspire sa tao.
kahit sa simpleng paraan lamang, gamit ang aking utak.

sa panahon kasi ngayon, parang hindi na tama na ilagay lahat ng responsibilidad sa mga lider ng bansa, matagal na sila sa kani kanilang puwesto ngunit anong pagbabago ang naidulot nila? yung mga building ba? mga tulay? baka bago tayo umabot sa susunod na henerasyon eh di-semento na lahat ng bagay na ating makikita dulot ng mga politikong puro mga di-semento ang proyekto.dapat eh, may kumilos na sa ating mga kabataan..

be a role model, di ba?

pero parang may mali, epekto ba ito ng pagiging bored ko? lumalabas ang pagkapatriotic ko? ano ba talaga ang magandang gawin sa ganitong sitwasyon?

mag-isip ka remjo, mag-isip ka!

pero, sa palagay ko, tama din siguro na gumawa ako ng libro., sa ganoong paraan, maipapahayag ko ang aking mga nararamdaman at kahit sa maliit na paraan, makakatulong din ako sa mga kapwa ko kabataan.

Napakapatriotic ko naman kapag nabobored..

Sa tingin niyo?