Traffic.
Maraming tao.
Ang gulo.
"beep.beep.beep." dito.
"beep.beep.beep." doon.
Normal lang ito kasi Dinagyang nga, pero sa okasyong ito, may nadiskubre ako sa mga taong di ko naman kaano ano, sabihin na lang natin na mga nakasakay ko lamang sila sa jeep.
ito kasi yun, sa kahabaan ng trapik, sumakay ako ng jip, at ako lang ang pasahero nung una, at nadagdagan ng dalawang lalake, 1 babaeng buntis na hirap na hirap siguro sa buhay kasi sa mukha niya (hindi naman sa pagjujudge sa babaeng yun pero mahirap siguro yun, it shows kasi) tapos sinundan ng dalawang chix(hehe) tapos isang matandang mayaman, puno ng alahas yung leeg tsaka yung braso, may diamond ring pa yung lola.. ang taray!..
sa tabi ko umupo yung buntis, tsaka nasa harapan ko naman ang dalawang lalake, yung matandang mayaman naman ay malapit sa driver, yung mga chikas naman nasa front seat.
ito na ang climax,
nagbayad ako,
"Bayad lihog (bayad po)!!"
awts, alang sumagot,
"Bayad lihog (bayad po)!!(sa puntong ito, malakas na angpagkakasabi ko)"
waw, ang ineexpect ko na ang matandang mayaman ang kukuha ng bayad ko dahil sa lahat sa amin siya yung malapit sa drayber ay hindi ako pinansin, tiningnan lang ako ni lola... ito pa ang masaklap, yung katabi kong buntis na hirap na hirap sa kanyang dinadala ang kumuha ng bayad, ayun, habang umaandar yung jip, yung buntis yung lumapit sa driver (nahiya ako nun).. biglang nagpreno yung drayber, nauntog yung buntis, kinabahan ako baka malaglagan sya, pero buti na lang hindi nangyari...
at sa ikalawang pagkakataon, tumingin lang yung matandang mayaman..
-----------------------------
haist, sino kaya ang dapat sisihin sa simpleng pangyayaring ito?
Ako ba? na hindi nageffort na lumapit na lang sa driver para magbayad?
pero hindi ko naman magawa yun kasi marami akong dala , kasi pabalik ako sa dorm namin.
Ang Matandang mayaman? na hindi ako pinansin?
o ang inosenteng buntis na nagpakabayani na tinulungan ako sa pagbayad..?
masasabi nyong Nonsense ang post na ito.. pero, isipin niyo ng mabuti kung anong aral ang naituro nito sa atin..
"...Yah, ang pagsakay sa jip ay parang pag attend sa 30mins na klase, marami kang matutunan magmula sa drayber hanggang sa mga pasaherong nagmumuni habang patuloy sa pag ikot ang gulong ng jip, aral na pwedeng ma apply sa ating buhay sa arw-arw.."
No comments:
Post a Comment