Wednesday, January 28, 2009

.•.•x.[Nang Kinausap ko ang aking Sarili].x•.•.

Naranasan niyo na rin bang kausapin sarili niyo?
Ang sarap ng feeling diba?kahit nagmumukha na kayong mga tanga.
Pero ayos yun mga dude, sabi nga ng Psychology teacher ko (Maam Funtecha), nakakatulong daw ito sa ating paggawa ng desisyon at pagkilala ng husto sa ating sarili.

REMJO: anong topic gusto mong pagusapan natin ngayon bro?

Kaluluwa ni remjo: kahit ano, pero dapat hindi boring. comedy gusto ko.

R: ay, di pwd bro, nag eemote kasi ako ngayon, baba ng kuha ko sa Chem exam namin eh.

K: Ows, kala ko kaya mo yun?

R: Change topic bro..

K: Sige na nga, bro, bakit adik ka sa computer?

R: Eh, yun yung nagpapasaya sa akin eh, angal ka?

K: Bakit di mo subukang magbasa? o pag aralan mga lessons mo sa paaralan?

R: Eh, hindi ako pala aral na tao eh.

K: Bro,paturo naman ng photoshop.!

R: Sige, pag may time ako..

K: Bro, uhmm, gutom ka na ba?

R: Uhmm, hindi, kumain ako kanina eh.

K: Ano paborito mong pagkain?

R: Uhmm, kahit ano basta chicken, pasta, chocolates, pizza...at adobo.

K: Ah ganun ba?bro, seryosong usapan naman, nonsense to eh.

R: Sige bah! basta wag lang math at chem huh!

K: Sige wag lang yun..uhmm, bakit hate mo ang chemistry?

R: Kakainis kasi eh, maraming mga classifications ng mga chemicals (tama ba?hehe), mapa ketones, acid hallides, amides, amines, hai naku boring yun! tsaka pahamak yang chemistry na yan! hai naku!

K: Bro, ano ba masusuggest mo para mawala yung chemistry sa world?

R: Pagbutihin na ng mga discoverer ang pagimbento ng time machine..
para mabalikan ko yung past, papatayin ko yung may pakana kung bakit may chemistry!!!

K: ??

R: bakit?

K: Weird muh! eh kung mapatay mo siya eh wala ng mga beauty products na magpapagwapo sayo!!

R: ay, oo nga pala, sige na nga, ok na yung may chem basta, gwapo lang ako.(haha)

K: Bro, bakit ang kapal mo?

R: Hindi ako makapal noh, one way ko lang yon to gain my self confidence, kahit hindi ako kaganun ka gwapo, pero may itsura din, at least, mataas yung pagtingin ko sa sarili ko, pero hindi naman ganun kataas na nmay nasasagasaan na.. i know my limits naman kasi eh..

K: Bravo!! bravo!

R: Tangels!

K: awts!

-----------------------------------------

Monday, January 26, 2009

.•.•x.[BUSTED!!].x•.•.

somethings wrong.

yah, it seems that im losing my control.
wala na akong gana sa studies ko.
i just want to have fun with my life. and i dunno why..wanderlust!!

accepting the fact that i have to study coz its for my future,.
but hindi ko magawang magseryoso sa studies ko.

epekto siguro ito kapag hindi mo gusto at type yung field na pinasukan mo.
but walang mabblame dito but only me.

ako rin naman yung pumili ng corz na ito, "go with the flow" ika nga.

binigyan na nga ako ng freedom ng family ko para pumili,
hindi ko pa grinab yung oppurtunity na yun to follow my decisions.

but andito na ako eh.

my only hope ryt now is to study well, i have to force my self.
even tho i cant.
even tho i dont want.

its for me.

its for my future.

Sunday, January 25, 2009

Nong, Bayad...

Traffic.

Maraming tao.
Ang gulo.

"beep.beep.beep." dito.
"beep.beep.beep." doon.

Normal lang ito kasi Dinagyang nga, pero sa okasyong ito, may nadiskubre ako sa mga taong di ko naman kaano ano, sabihin na lang natin na mga nakasakay ko lamang sila sa jeep.

ito kasi yun, sa kahabaan ng trapik, sumakay ako ng jip, at ako lang ang pasahero nung una, at nadagdagan ng dalawang lalake, 1 babaeng buntis na hirap na hirap siguro sa buhay kasi sa mukha niya (hindi naman sa pagjujudge sa babaeng yun pero mahirap siguro yun, it shows kasi) tapos sinundan ng dalawang chix(hehe) tapos isang matandang mayaman, puno ng alahas yung leeg tsaka yung braso, may diamond ring pa yung lola.. ang taray!..

sa tabi ko umupo yung buntis, tsaka nasa harapan ko naman ang dalawang lalake, yung matandang mayaman naman ay malapit sa driver, yung mga chikas naman nasa front seat.

ito na ang climax,


nagbayad ako,

"Bayad lihog (bayad po)!!"

awts, alang sumagot,

"Bayad lihog (bayad po)!!(sa puntong ito, malakas na angpagkakasabi ko)"

waw, ang ineexpect ko na ang matandang mayaman ang kukuha ng bayad ko dahil sa lahat sa amin siya yung malapit sa drayber ay hindi ako pinansin, tiningnan lang ako ni lola... ito pa ang masaklap, yung katabi kong buntis na hirap na hirap sa kanyang dinadala ang kumuha ng bayad, ayun, habang umaandar yung jip, yung buntis yung lumapit sa driver (nahiya ako nun).. biglang nagpreno yung drayber, nauntog yung buntis, kinabahan ako baka malaglagan sya, pero buti na lang hindi nangyari...

at sa ikalawang pagkakataon, tumingin lang yung matandang mayaman..


-----------------------------


haist, sino kaya ang dapat sisihin sa simpleng pangyayaring ito?

Ako ba? na hindi nageffort na lumapit na lang sa driver para magbayad?

pero hindi ko naman magawa yun kasi marami akong dala , kasi pabalik ako sa dorm namin.

Ang Matandang mayaman? na hindi ako pinansin?

o ang inosenteng buntis na nagpakabayani na tinulungan ako sa pagbayad..?


masasabi nyong Nonsense ang post na ito.. pero, isipin niyo ng mabuti kung anong aral ang naituro nito sa atin..

"...Yah, ang pagsakay sa jip ay parang pag attend sa 30mins na klase, marami kang matutunan magmula sa drayber hanggang sa mga pasaherong nagmumuni habang patuloy sa pag ikot ang gulong ng jip, aral na pwedeng ma apply sa ating buhay sa arw-arw.."

PHOTOGRAPHS : Remjo's Style

Just wanna share these photos na tinake ko using my Nokia 6120 classic phone, at ang mga ito ay inedit ko using Adobe Photoshop CS2.


Photos were taken from my school (Central Philippine University) and Ideal dormitory.


--------------------------------



--------------------------------



--------------------------------



--------------------------------



--------------------------------



--------------------------------



--------------------------------



--------------------------------



--------------------------------



--------------------------------


CAPTURED!!

Thursday, January 22, 2009

Leaving the past behind : a reflection

We are who we are today because of our past.


We cannot separate ourselves from our past. We cannot deny that we have a past. Even if we try to deny or lie about the most sordid aspects of our past, still, it has a unique way of rearing it’s ugly head.

Let’s accept it. The past is the past.

But how are we to deal with our past? Ano ba ang ibig sabihin ng leave the past behind?

First, we should treasure the learning experiences.


Throughout our history, marami tayong mga nagawa at naranasan. Mabuti man o pangit. Masaya man o masaklap. Kapuri puri man o kahiya hiya. The fact is, we can treat them all as learning experiences. Itabi natin sa ating puso ang mga mahahalagang aral na itinuro sa atin ng kasaysayan. Tiyak, they will come in handy in the future.

Second, forvige anyone who has hurt you in the past.

Dahil ang buhay dynamic, puwede tayo magkasakitan ng damdamin. Puwedeng ako ang nasaktan. At puwede din na ako ang nanakit. Turuan natin ang ating mga sarili na magpatawad. Kung sa ating nakaraan, me tinik ng kahapon, bunutin na natin sila. Kung sa ating nakaraan, me nagpatigas ng ating puso, e, palambutin na natin. Life is too short to be unforgiving. Tingnan din natin kung tayo ang nakasakit. Pag ganun, e, tayoy magpakumbaba. Tayo na ang magsorry.

Third, let go of difficult attachments.


Minsan kasi, meroon sa ating nakaraan, na, napakahirap bitiwan. They can be positive experiences, as well as negative experiences. Tulad ng achievements in the past, what you were before, how others in the past treated you. Tigilan na natin ang paghahanap sa mga kasiyahang matagal ng wala. Thank God for them. And if you so really desire to experience the joy of certain past achievements, then carry on with your life. Furthermore, to let go means to set ourselves free from the people, from the pain, from the hurts that the past has given us. Posibleng we need to let go of someone we love na wala na sa ating piling. Tulad ng kung ikaw ay namatayan, iniwanan, pinagtaksilan. It’s hard, i know. But try your best still to let go and let God.

Finally, move forward.


Life doesn’t end with the past. Turn your hurts into halos. Your stumbling blocks, into stepping stones. Think of your trials and testings as challenges. Be positive. Be hopeful. Have faith. LIfe goes on. When something closes, another door opens. Pag me nagsasara, me magbubukas. We should always strive to move on with our lives no matter what. Habang nabubuhay, mag enjoy. Parang graduation yan ng High School. Malungkot kasi maghihiwalay. Natapos na ang magagandang experiences with friends. You are leaving a school that has been your home for many years. However, we all know, we can’t be in high school forever. Ganon din sa kanya kanya nating kinalalagyan sa buhay. We can’t be stuck where we are.

Let us leave the past behind, believing in our hearts, that as God is with us, not only can we hurdle the difficulties, but more importantly, we will RISE UP to soar to greater heights that life has to offer.

MAJOR ISSUE # 1 : ehl-oh-vee-ee

Love.

Pagmamahal.

Kahit san ata ako magpunta ngayon, lahat ng mga na iencounter ko na problema ng mga kabataan na tulad ko ay kung hindi pera ay yung boyfriend o girlfriend nila.
PRANING na ata tayong mga kabataan ngayon, tama nga at hindi natin mapipigilan ang ating mga puso, dahil kapag ito ay tumibok na siguradong sasabog ito. Pero hindi naman yata tama na damdamin ng todo lahat ng mga nangyayari sa inyong relasyon, sige umiyak ka! magmukmuk ka sa kwarto mo! ipalabas mo lahat ng iyong sama ng loob at tumawag ng kaibigan pero hindi naman yata makatwiran kapag nagwala ka ng todo! mawawalan ka na ng boses, mabubulabog mo pa ang mga natutulog mong kapitbahay!

BrokenHearted: Inom tayo pre!

Shock Absorber: Di ba hindi ka umiinom pare?

BH: ah basta! inom tayo!

SA: Eh di uminom tayo!

Bigyan niyo ako ngayon ng limang valid reasons kung bakit maguumpisa kang magkaroon ng bisyo dahil iniwan ka ng girlfriend mo. Pag uminom ka ba, babalikan ka niya?
Bakit ka ba niya iniwan? Dahil may kasakanan ka ba sa kanya? Eh kapag uminom ka, mababawasan ba kasalanan mo sa kanya?

Magisip ka naman tol, ipakita mo sa kanya na she deserves you, wag mong sirain ang buhay mo, malay mo, may balak pa sana siyang balikan ka, pero nang nalaman niya na may bisyo ka eh she will learn to forget you nalang dahil iisipan niya na nagbago ka.

Pero pano ba mag move on?

Tama ba na magpost ka ng mga nagpapabulabog sa konsensya na mga salita sa friendster?
tulad ng mga:
"you broke my heart for a reason. and that reason will be the cause of your bitterness soon!"

"its ur fault. there are many fish in the sea."

"
its my fault because i expect too much that he love's me too..
i always cry..
i want to die..
and i dont want to see him anymore"

"There are MANY MORE guys around,,,.. which is gotta be much better than him..,, nd i wont be outnumbred.."

"mdami png ibng llke s tabi tabi,, hnde acu mauubusan"


Ang dadrama diba?
Tama bang itapon lahat ng bagay na binigay niya sayo?
Tama ba na burahin lahat ng picture niyo sa photo album mo sa FS?
Tama bang sunugin lahat ng sulat na binigay niya sayo?
Tama bang putulin ang komunikasyon niyong dalawa?
Tama bang tinatanong kita ng mga ganitong klaseng tanong?

The ART of Moving On 101.

Scene 1:
Mag usap kayo, sampalin mo siya! painumin mo ng lason tsaka mag sori ka, kiss him/her bid gudbye, diba dramatic? makakamove on kana ng maigi.

Scene 2:
Imbitahin mo siya sa isang party, ipakilala mo sa mga friends mong bakla. Mag set ng plan, gawan mo ng scandal, ikalat na bakla siya! OLA! tagumpay ka ngayon! makakamove on kana!

Scene 3:
If hindi magwork ang scene 1 and 2, patayin mo ako, hindi naman pala ako nakatulong sayo.

Ang pagmomove on ay hindi isang simpleng proseso. Luha, panyo at laway ang maaaksaya sa pagiyak mo.
keep this in ming mga pare at mga girls dian:

"life must go on and don't be too sad and broken just because someone left you and hurt you.. when ure hurt always keep in my mind that maybe its not the right time for u to be inlove and maybe god is not yet finish writing ur love story.."

Monday, January 19, 2009

NOYPI Writers: Nasaan kayo?

Hanga talaga ako sa mga manunulat na filipino... mapa sikat man o hindi... ikaw sino ang idolo mong manunulat na Noypi? kung ako ang tatanungin, marahil, ito ang masasagot ko:
in no particular order:
••• Ang nasa harapan ko tuwing microbiology class namin, isa sa mga manunulat na hindi kilala pero may potential na maging sikat sa pagiging writer, oo, siya yun! si Jenny Espia, tingnan niyo ang tulang ginawa niya para sa akin:
descriptive pHoto meE.
he was in hIs heart in his silent sOul
boRn to diE when they pUsh him to faLl
in thE midst of hiS twilight sKy hE foUnd his tears
He waNted lovE that sHares
his liFe waS sTranded in aIr
Ironically mOvinG in shiny gLare
muSic aRe medicines in hiS bleeding pulsE
shouting hiS song in hiS most
paGes are His papers to view life
tUrns and flips are wiNgs to fly
hIs style is hiS eneMy
iT lingers the viens in vaniTy
hE has set his loVe aNd let it grow
hE has missIng pieces that he cant let go
hE is the misunderstOod pRince
rAwring lioN in hiS tears
beyond those eYes was ReMJO randomly made DEbiL
puRposedly created hot winged anGeL...
napakaganda, diba?
----------------------------------------------
•••BOB ONG ang talagang tumatak sa akin .. maraming nagsasabi na nonsense daw mga sulat niya, well, oo nga, pero kung iintindihin natin ang mga nasa likod ng mga salitang pinag-aksayahan ng tinta ng kanyang bolpen, masasabi nating si bob ong ay maaaring maging isang taong makapupulutan ng mga aral.
read between the lines:
"kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok na mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan."
at ang pinakapaborito ko:
"Hari ka ng mundo habang nagsusulat. Pakiramdam mo may mga nagtiyatiyagang nakikinig sa mga sinasabi mo. Akala mo nakasalalay sa mga isinusulat mo ang ikot ng mga planeta. Kaya buong ingat mo ring binubuo ang bawat salita. Kumpleto sa respeto at dangal na maingat mong itinatago sa likod ng maga kalokohan"
Tama si Bob ong, sa pagsusulat, ikaw ang hari.. malaya ka, tulad ng pagbablog, malaya ka rin isulat ang mga isinisigaw ng pusot damdamin mo, ikaw ang hari dahil blog mo ito, opinyon mo lahat!!
--------------------------------------
ikaw? may kilala ka bang iba pang Noypi na nagsusulat tulad ng style ni BOB Ong? o di kaya hindi sikat na manunulat pero patuloy na nagsusulat para maka inspire sau? its easy my friend, lagay ka lang ng comment dito, malay mo, ikaw ang magiging daan sa pagsikat nila... Let their Voices Be heard!
Mabuhay ang mga Pilipinong Manunulat!!!

Wednesday, January 7, 2009

Getting to knoe me!!

tok.tok.tok
may tao ba?
"sino ba ako?
ano ba ako?
tga san ako?
at
ano ginagawa ko ngayon.."
ilan lamang ito sa mga basic na questions na nai encounter ko kapag nasa stage ako ng pakikipagpakilala..
well ito ang konting silip sa buhay ko:
ang nasa likod ng palayaw na "RAWR PRINCE" ay isang labing pitong taong gulang na lalake.. siya ay kilala sa tunay niyang pangalan na "remjo" at dahil hindi kagandahan ang kanyang pangalan, naisip niyang gumawa ng isang pangalang kewl at fit na fit sa katauhan niya!
RAWR - ibig sabihin ng rawr ay "mahal kita" o "i love you" sa mga dinosaurs. at dahil isa akong hopeless romantic na tao, naisip ko itong gawing first name..
PRINCE- bakit nga ba prince? may dugong bughaw ba ako? ang tanging sagot dun ay HINDI! prince dahil ako ang prinsipe ng mga salitang "i love you".. at bakit? malalaman niyo rin yun sa patuloy niyong pagsubaybay sa aking blog..